^

Pang Movies

Bonggang party ni Mother Lily, maraming sorpresa!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Bonggang party ni Mother Lily, maraming sorpresa!

Ang bonggang 80th birthday party mamayang gabi ni Mother Lily Monteverde sa isang posh hotel.

 

Halos lahat ng dating Regal babies ni Mother Lily na nakakausap ko ay nagsasabing pupunta sila roon.

Kahapon, tinanong ko ang Unli Life movie producer tungkol sa kanyang birthday wish at heto ang sinabi niya, “Peace! at 80! i will always be a movie producer to serve the pilipino movie industry. a new begining for me to learn the new technology of film making.”

Marami raw suprises na mangyayari sa birthday party ni Mother Lily mamaya.

Hindi raw talaga alam ni Mother Lily what to expect tonight, pero knowing her, baka naman palihim din niyang inalam kung anu-ano ang mga ‘yon.

Cesar ‘seen’ lang ang reaction sa invitation ni Angelina

Kahapon ay nakakuwentuhan ko si Sunshine Cruz tungkol sa anak na si Angelina.

Finally, singer na rin kasi ang panganay niyang anak.

Ang six-track EP ni Angelina ay available na sa digital streaming platforms.

Noong Friday nagkaroon ng launch si Angelina at nag-attend doon si Sunshine na nagkataon na walang taping that day para sa Kapag Nahati Ang Puso ng GMA 7.

Pero noong una raw, nagkaroon siya ng problema sa sasakyan at nang malaman ng anak na baka hindi siya makapunta roon ay nalungkot ito, pero nagawan naman niya ng paraan.

“Si Angelina kasi, nagpaayos pa, ako naman, dumeretso na sa venue. Noong una, ang worry ko, baka ma-late ako, pero nauna pa nga ako kay Angelina,” sabi ni Sunshine.

Biniro ko si Sunshine na certified SM na siya.

Ang SM ay Stage Mother.

Sabi ni Sunshine, “I’m a proud Stage Mom to my daughter! Okey lang sa akin na matawag na Stage Mother, walang problema, anak ko ‘yan. I’m a proud and supportive mother to Angelina.

“Kahit naman sa Facebook at Instagram account ko, panay ang promote ko sa album niya.

“Nag-download na rin ako sa Spotify at sobrang proud ako. Natutuwa rin ako na sinasabi sa akin ng mga tao na nag-download na sila ng mga kanta nila. Ganoon naman talaga kapag Nanay ka!” sabi pa ng former sexy star.

Dumating din sa launch ni Angelina ang boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay, pero mismong ang anak daw niya ang nag-imbita sa kanyang karelasyon ngayon.

“Nagbigay pa si Macky ng flowers kay Angelina. Dumating siya roon dahil si Angelina mismo ang nag-invite sa kanya,” pahayag pa ni Sunshine.

Si Cesar Montano ay imbitado rin at ang alam daw niya ay inimbita ni Angelina ang tatay niya, pero ‘yung message raw ng anak, “seen” lang at hindi naman nag-res­pond si Cesar.

Pero alam daw nila ang pinagdadaanan ngayon ng aktor, kaya ayaw na raw nilang mag-comment pa ng kahit na ano tungkol doon.

Nauunawaan daw ng anak niya kung hindi man nakapunta si Cesar sa event nito.

“Usapan ito ng anak ko at ng ex ko (si Cesar), kaya hayaan na lang natin, ayokong magsalita na. Tumanggi na rin ako sa ibang mga nagtanong sa akin sa event na ‘yon,” sabi pa ni Sunshine.

Sa ngayon nga pala, nag-promise raw si Angelina kay Sunshine na studies pa rin naman ang priority nito.

Nasa Grade 11 na raw si Angelina at isang taon na lang naman daw ay ga-graduate na ang 16-yeard old daughter niya at bahala na ito kung mag-aartista rin.

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with