^

Pang Movies

Sharon kinalkal ang milagrong ginawa nila noon ni Goma

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon kinalkal ang milagrong ginawa nila noon ni Goma

Dahil nga siguro sa may gagawin silang reunion movie ni Richard Gomez, panay ang throwback ni Sharon Cunetalately sa nakaraan nila ng aktor pati na ang kanilang love story.

 

Sunod-sunod ang Instagram post niya ng mga lumang videos at photos nila ni Goma noong sila pa. Sa isang caption niya sa video ng duet nila ay ikinuwento niya ang love story nila ng aktor.

“Wow! Now puwede na ikwento. This was our first appearance together na since he started calling and visiting me na! Siempre walang alam ang public. Kaya ganyan ang reaction ko! May nagaganap na kasi.

“After this song and end of this show was the first time he asked me out. Naks! Dinner. But with my best friend Anna Zo pa! Hahahahahaha! Makasaysayan.

“Later when he was my boyfriend na, nasa akin na yung shirt nya na yan, which I put inside his pillowcase with his pillow and every night nilalagyan ng pabango niya. Mga bagets hahahahaha!

“Years later sa bahay ng Mommy ko where my boxed things were, nakita ko suot na ng isang malayong kamag-anak namin na nagtatrabaho kay Mommy noon. Eh dami nang nawawalang kahon ko. Ayan. Nanenok na pala. Di ako kumibo kasi baka makapatay ako dami itak ni Mama eh. Hahahaha!

“I remember RG made me pagawa pa a shirt sa Bench that said ‘The Bench Man’s Mrs.’ Awa ng Dios nahihiya ako idisplay kahit suot ko nakajacket ako noon. Hahahahahaha! Time flies. Nakakatawa pag bata kayo,”ang kwento ni Shawie sa kanyang caption.

Actually, nakaka-happy naman talaga ‘yung video lalo pa nga’t ang babata pa nila that time.

Kakai aminadong ilong lang ang virgin 

Diretso ring sinagot ni Kakai Bautista ang diretsahang tanong sa kanya kung virgin pa siya sa presscon ng pelikula nila ni Myrtle Sarrosa na Wander Bra held last Thursday night.

“Ay hindi na, siyempre,” walang kakurap-kurap na sabi ng komedyana.

Dagdag pa niya, “sa ­ilong na lang hindi,” sabay-tawa. “Ilong, tenga, ‘yung mga parts ng face. Sabe!”

Anyway, masayang-ma­sa­ya si Kakai na finally ay dumating na rin ‘yung time niya para maging lead actress. Kapapalabas lang ng pelikulang Harry & Patty kung saan ay sila ni Ahron Villena ang bida at kasunod naman agad itong Wander Bra.

“Sabi ko nga talaga, is ‘yung si God talaga, pag nagbigay ng timing, laging perfect. Kasi halos sabay ko pong sinyut ‘yung Harry & Patty and Wander Bra pero hindi po kami napasama sa PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino) so nobody knows kung kelan pa talaga kami ipapalabas,” sabi ni Kakai.

At nagkataon nga raw na talagang nagkasunod pa ang showing ng mga nasabing movies kaya say niya, “perfect na perfect talaga ‘yung timing ni God na hindi sinasadya pero magkasunod.”

Sobrang happy rin daw siya na si Myrtle pa ang ka-share niya sa lead role dahil kaibigan niya ito at nakatrabaho pa niya sa Your Face Sounds Familiar.

Sa pelikula, ginagampanan ni Kakai ang isang simpleng babae na nabigyan ng kapangyarihang maging superhero. Kapag nagta-transform siya sa Wander Bra ay naiiba ang hitsura niya na ginagampanan naman ni Myrtle.

Mula sa direksyon ni Joven Tan, showing na sa Sept. 12 ang Wander Bra. Kasama rin dito sina Hashtag Zeus Collins, Gardo Versoza, ­Brian Gazmen and Miss Gina Pareño.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with