^

Pang Movies

Unli Life ni Vhong mas bongga sa Woke Up Like This

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Unli Life ni Vhong mas bongga sa Woke Up Like This
Vhong Navarro

Happy si Vhong Navarro dahil positive ang reviews sa Unli Life, ang drama comedy movie niya na official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

May mga nagkomento na mas nagustuhan nila ang Unli Life kesa sa Woke Up Like This, ang pelikula ni Vhong noong nakaraang taon na certified blockbuster kaya nagkaroon ng thanksgiving party sina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Kung mas marami ang nagkagusto sa Unli Life, hindi imposible na malampasan nito ang box office gross ng Woke Up Like This.

Chito malaki ang expectation sa Signal Rock

Concept ni Chito Roño ang kuwento ng Unli Life.  Chito ang manager at tatay-tatayan ni Vhong.

Dumalo si Chito sa premiere night ng Unli Life sa SM Megamall noong Lunes bilang moral support sa alaga niya.

Hopefully, suportahan din ni Vhong ang celebrity screening ng Signal Rock na magaganap ngayong gabi sa TriNoma Cinema.

Idea at concept ni Chito ang kuwento ng Signal Rock. Siya rin ang direktor at producer ng pelikula na biggest break ni Christian Bables na i-promote o banggitin din sana ni Vhong sa It’s Showtime.

Umaasa si Chito na panonoorin ng moviegoers ang Signal Rock, kahit hindi pa umabot sa limampu ang bilang ng mga sinehan na pagtatanghalan ng pelikula niya.

Confident si Chito na maganda ang Signal Rock dahil hindi naman ito mabibigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board kung pangit ang pelikula niya.

Hinihikayat ni Chito ang moviegoers na panoorin ang Signal Rock dahil tinitiyak niya na magugustuhan ng publiko ang pelikula na malapit na malapit sa kanyang puso.

Dalawang aktres nagkakampihan para tapatan ang traydor na aktres

Magkasama pala sa isang television program ang dalawang aktres na parehong makulay ang mga lovelife at dumanas ng mga heartache.

I’m sure, nagpaplastikan ang dalawa sa set dahil vocal si Actress A sa pagkampi sa kanyang kaibigan na biktima ng betrayal ni Actress B na co-star niya sa television show.

Imposible na hindi alam ni Actress B ang mga side comment ni Actress A laban sa kanya dahil tiyak na may nagpaparating sa kanya.

Lalong hindi itinatago o inililihim ni Actress A ang suporta niya sa betrayed friend dahil nakita at nabasa sa social media ang kanyang mga komento against Actress B.

Mga anak nina Lander at Regine sa Vera Perez ng hitsura

Mga dalaga na pala ang mga anak nina Lander Vera Perez at Regine Tolentino.

Kasama ni Regine ang mga anak nila ni Lander sa red carpet premiere ng The Day After Valentine’s sa TriNoma Cinema noong Lunes.

Ang sabi ng mga nakakita sa mga anak ni Lander, hindi maipagkakaila na siya ang ama dahil kamukhang-kamukha ng mga Vera Perez ang mga bata.

Matagal nang hindi nakikita ni Lander ang mga anak na very close sa kanya. Hindi nagpunta ang mga bata sa burol ng lolo nila, si Pepito Vera Perez pero clueless si Lander sa hindi pagpapakita at pakikiramay ng mga anak niya.

Hiwalay na sina Lander at Regine. Dumating sana ang araw na magkasundo sila at maging magkaibigan, alang-alang sa mga anak nila. Siguro naman, mas marami ang good memories nila noong nagsasama pa sila at sana ito ang manaig para gumanda ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with