^

Pang Movies

Vice inaasahang lulutang sa concert ni Anne

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Vice inaasahang lulutang sa concert ni Anne
Vice Ganda

Hindi man kasama si Vice Ganda sa list ng mga noted performer na maggi-guest sa concert ni Anne Curtis na gaganapin sa Sabado, ang AnneKulit: Promise Last Na ‘To, tiyak namang manonood ang TV host.

Kasama ni Anne na magpe-perform sa Araneta sina Regine Velasquez, James Reid, Sarah Geronimo, bandang Aegis at ang Ex Battalion.

Sobra ang closeness nina Anne at Vice at mahaba na ang naging pinagsamahan.

Sasama rin kay Vice Ganda ang mga co-hosts nila sa It’s Showtime na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, Ryan Bang at Mariel Rodriguez.

At siyempre, mawawala ba si Karylle na matagal na ring friend ni Anne?

Isa si Anne sa iilang artistang magandang makisama sa showbiz at ito ang pinaka hinahangaan sa kanya.

Albert pagbebenta na ng kotse ang inaatupag

57 years old na ngayon si Albert Martinez at isa nang biyudo sa asawa nitong si Liezl Martinez nang pumanaw ito tatlong taon na ang nakararaan.

Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil lahat ng tatlong anak niya ay malalaki na at puro successful. Lolo na rin siya sa kanyang magdadalawang taong gulang na apo, courtesy sa anak niyang panganay na si Alyanna. Pero huwag nating kalimutan na isa pa rin siyang magaling na aktor, producer, director at isa ring businessman.

Narinig kasi naming na nagbebenta na ng kotse ngayon si Albert, nire-restore niya ito at nire-recycle hanggang sa magmukha na ulit bago at puwede na ulit gamitin.

Ang bagong project daw ni Albert ngayon ay ang upcoming series na The General’s Daughter kung saan gaganap siya bilang isang heneral at si Angel Locsin naman ang kanyang gaganap na anak.

Excited siya about the project dahil makakatrabaho niya rito ang fellow ‘old timer’ na si Tirso Cruz III, plus Eula Valdez and Ryza Cenon.

Sharon kuntento na sa habambuhay na pagiging artista

Wala sa bucketlist ni Sharon Cuneta ang maging isang pulitiko, tulad ng kanyang Senator-husband na si Francis Pangilinan, o ma­ging ng kanyang late father na si Pablo Cuneta, na naging Pasay City Mayor for nearly two decades.

Kung magiging aktibo siya sa darating na election in May next year, ito ay dahil nag-express na ng wish ang kanyang kapatid na si Chet na tumakbo for Mayor ng Pasay City.

Ang pamilya ni Sharon (except sa anak niyang si KC Concepcion na nasa abroad), na sina Sen. Kiko at ang tatlong nilang mga anak na si Frankie, Miel at Miguel sa World Trade Center para sa pagtanggap ng kanyang award bilang isang History Maker mula sa History Con 2018.

Nandoon rin ang kanyang fellow awardees from local showbiz na sina Christopher de Leon, Lea Salonga, Nora Aunor, Vilma Santos at Aga Muhlach.

CJ nag-e-expect ng second chance

Sana tulad ni JM de Guzman ay may TV o movie producer na makapagbigay muli ng pagkakataon kay CJ Ramos na makabalik siya sa showbiz.

Nakalaya na pala ito kamakailan lang mula sa kanyang pagkakakulong, dala nga na umamin siya sa paggamit ng droga.

Nasa 20’s lang itong CJ at ‘di maikakailang guwapo pa rin ito at may dating. Lalo siguro kapag nagbawas na siya ng more pounds.

Nangako raw siya, lalo’t sa kanyang ama’t ina, na titino na siya to the max?

Well, harinawa, CJ.

Birthday ni Mother Lily umulan bumagyo, tuloy na tuloy pa rin!

Na-stranded daw si Mother Lily for six hours. Kung saang specific na lugar, ayaw na niyang banggitin.

This was last Saturday, August 12.

Ganunpaman, tiniyak ni Mother Lily, rain or shine, may baha man o wala, tuloy ang kanyang celebration of her 80th birthday on August 19 sa Crown Hotel In Ortigas.

She wants as much as possible to see “old faces” sa okasyon. Particularly mga formal Regal Babies niya.

Nearly 50 years na as a movie and TV producer si Mother Lily.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with