^

Pang Movies

Gay Pinoy na kasama sa Crazy Rich... dating babae ang karelasyon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

True blue Pinoy ang Hollywood actor na si Nico Santos na kasama sa all-Asian cast ng Hollywood film na Crazy Rich Asians.

 

Ginampanan ni Nico ang role na Oliver T’sien sa naturang pelikula at glittering reviews ang natanggap niya mula sa ilang film critics na nakapanood ng movie nang mag-premiere ito sa Grauman’s Chinese Theatre in Hollywood kamakailan.

Pinanganak sa Manila at nag-migrate sa Oregon state ang buong pamilya ni Nico noong 16-years old siya.

Isang openly gay stand-up comic si Nico sa L.A. at naging regular guest siya noon sa talk show ni Chelsea Handler na Chelsea Lately.

Big break ni Nico ang ma-cast bilang si Mateo Liwanag, ang undocumented Fil-American store employee sa hit comedy series na Superstore.

Sa kanyang Instagram account, pinaram­dam ni Nico ang kanyang pagiging overwhelmed sa pagkakasama niya sa Crazy Rich Asians.

Karelasyon ni Nico si Zeke Smith, ang kauna-unahang transgender contestant ng reality competition show na Survivor: Millenials vs. Gen X at Survivor: Game Changers.

Dating babae si Zeke na ngayon ay lalaki na.

Anak nina David at Victoria Beckham na-trauma sa lindol sa Indonesia!

Nasa Bali, Indonesia pala ang mag-asawang David at Victoria Beckham kasama ang kanilang apat na anak noong maganap ang malakas na lindol sa Lombok na ikinamatay ng higit na 300 people.

Dumating sa Lombok, Indonesia ang Beckham family isang araw bago naganap ang 6.9 magnitude na lindol at naramdaman daw nila ang malakas na pagyanig kahit na 60 miles ang layo nila sa epicentre ng earthquake.

Wala naman daw nasaktan sa kanila, pero shocked daw ang kanilang mga anak na sina Brooklyn, Romeo, Cruz at Harper.

“The children, especially, were a little bit shaken but they are all fine. Their thoughts are obviously with the victims,” sey pa ni David sa isang interview.

Ibang celebs na nasa Indonesia rin that time ay ang mag-asawang John Legend at Chrissy Teigen at ang British singer na si Gary Barlow na nag-tweet noong makarating na ito sa airport.

vuukle comment

CRAZY RICH ASIANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with