^

Pang Movies

Jameson hindi nabo-bokya

Aster Amoyo - Pang-masa
Jameson hindi nabo-bokya
Jameson Blake/Instagram

MANILA, Philippines — Alam mo, Salve A., napakasuwerte ng 21-year-old Fil-Am young actor-dan­cer na si Jameson Blake dahil hindi ito nawawalan ng proyekto both sa telebisyon at pelikula.

?Ang ex-PBB: 737 teen housemate na si Jameson ay ipinanganak sa Hong Kong ng kanyang Filipina mother at American father.  

Sampung taon naman siya nang siya’y bumalik ng Pilipinas nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang.

?Nagsimula si Jameson sa pagiging TV commercial model bago siya nag-audition sa teen-edition ng reality show na Pinoy Big Brother in 2015 at dito siyanagsimulang makilala.

Sumunod na rito ang kanyang pagiging member ng all-male dance group ng noontime show na It’s Showtime, ang Hashtags na kinabibilangan din ng iba pang popular dancer-actors tulad nina Ronnie Alonte, McCoy de Leon, Nikko Natividad, Ryle Paolo Santiago, Paulo Angeles at iba pa.

Si Jameson ay may dalawa nang Best Supporting Actor trophies mula sa Ci­nema One Original Film Festival para sa pelikulang 2 Cool 2 Be 4gotten at Nay bukod pa sa Best New Actor of the Year in 2017 mula sa PMPC Star Awards for M­o­vies para sa pelikulang 2 Cool 2 Be 4gotten.

?Noong isang taon ay nakagawa siya ng da­lawang TV series, ang My Dear Heart at A Love To Last.  This year naman ay pumasok siya sa cast ng long-running sitcom na Home Sweetie Home at pasok din siya sa first TV series ng magka-loveteam at magkasintahang Julia Barretto at Joshua Garcia, ang Ngayon at Kailanman. Sunud-sunod din ang kanyang ginagawang pelikula na ang pinakabago ay ang 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) entry na Ang Babaeng Allergic sa WiFi na pinagsasamahan nila nina Sue Ramirez at Marcus Paterson mula sa panulat at direksiyon ni Jun Lana.  

Ito’y joint production  ng The IdeaFirst Company, Cignal Entertainment at October Train.

Ang nasabing pelikula ay magsisimula nang mapanood sa mga sinehan simula sa August 15 hanggang August 21, 2018.

Kris gumawa ng sariling ingay

?Dapat pasalamatan si Kris Aquino ng Warner Bros., ang distributor ng Hollywood movie na Crazy Rich Asians na pinagbibidahan at binubuo ng mga Asian actors in Hollywood dahil ang Queen of All Media lamang ang gu­magawa ng i­ngay sa Pilipinas para mapag-usapan ang pelikula kung saan siya may special guest appearance as Princess Intan.

?Dumalo si Kris sa red carpet premiere ng Crazy Rich Asians suot ang y­e­l­­low gown na gawa ng Filipino designer na si Michael Leyva kasama ang bunsong anak na si Bimby as her escort.  ?

?Kung nagmumura ang kulay yellow gown ni Kris ay pawang earth colors naman ang suot ng cast na dumalo sa red carpet including the lead stars ng pelikula na sina Constance Wu at Henry Golding na ginanap sa TCL Chinese Theatre along Hollywood Blvd. in Los Angeles, California.

?Magkaroon din kaya ng red carpet premiere ang nasabing pelikula sa Pilipinas na pangungunahan mismo ni Kris kung hindi makakadalo ang major stars ng pelikula?

?Ano sa palagay mo, Salve A.?                                                                    

vuukle comment

JAMESON BLAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with