^

Pang Movies

Milyones na retirement money ng TV personality naglaho sa pyramiding scam!

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — Titigil na sana sa tuluy-tuloy na trabaho ang sikat na TV personality na ito dahil nakakuha na siya ng malaking pera from her network. Ang plano na lang ng TV personality, pipiliin na lang ang tatanggaping trabaho dahil wala na siyang patutunayan pa at may malaki na siyang pera para sa semi-retirement niya.

Naengganyo ito ng mga kaibigan na ilagay ang pera sa parang pyramid na lumalaki at tumutubo ang pera. Kinumbinse ng TV perso­nality ang partner niya na samahan siyang ilagay nila ang pera sa kanyang pinaglagyan ng milyones niya.

Hindi akalain ng TV personality na bogus ang company na pinagkatiwalaan niya sa kanyang pera pati pera ng partner niya, nawala na parang bula ang milyones nilang dalawa, goodbye retirement si TV personality.

No choice si TV personality kundi balikan ang trabaho sa telebisyon para muling makaipon. Huli na ang pagsisisi ni TV personality, ubos na ang milyones niya.

Kris suko na sa paghahanap ng male counterpart ni tita Cory

Pinaiyak ni Kris Aquino ang mga nakabasa sa post niya sa Instagram (IG) kahapon kung saan, inalala niya ang death anniversary ng inang si former President Cory Aquino. Binalikan ni Kris ang nangyari noong August 1, 2009, 2am., nang mamatay ang ina dahil sa colon cancer.

Sa kanyang post, may nabanggit si Kris na ang date ng death ni Pres. Cory ay kapareho ng pagkamatay ng ama niyang si former senator Ninoy Aquino na namatay noong Aug. 21, 1pm.

Sabi ni Kris, “in my heart I’m sure you’re happy in heaven now reunited w/ the only man you ever loved. Because of what i saw in you, i can still believe that TRUE, COMMITED, & ENDURING LOVE is REAL because Dad was your 1st, last, & only love...You’d tease me that my perfect match would be a male Cory for a lifetime partner because you said i was the female Ninoy, and only a male version of you would understand the passionate ‘tigas ulo/bawal sumuko/kakayanin lahat’ in me...Mom, malabo na sigurong mangyari pa yun.”

Sinundan ni Kris ang post niya ng, “Nanghihinayang lang ako na hindi mo naabutan yung development ni kuya Josh & how slim, respectful, generous in sharing, effortlessly kindhearted, polite, gentle & appreciative he’s grown up to be...since Bimb was only 2- you didn’t fully experience the male Kris in your youngest apo. For sure you’d be the proudest w/ how he’s turning out: excellent grades, articulate, truthfull, protective, driven, caring, responsible. But you’d also be laughing that just like his mom- wala syang preno s kadaldalan, he remembers everything & is always ready w/ HIS opinion...I don’t doubt you’re proud  of all i achieved- but i hope from heaven you’re seeing pinipilit & pinagsisikapan kong maging ‘good mom’- because i had the BEST role model in YOU.”

Magiging proud din tiyak si Pres. Cory na nakasama si Kris sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians na incidentally, kahapon, Aug. 1, dapat malalaman ni Kris kung papayagan siya ng kanyang doctor na dumalo sa red carpet premiere nght sa Aug. 7. Bukod sa medical clearance, nakadepende rin sa ate ni Kris kung makakadalo siya dahil ‘pag pumayag si Ate Ballsy niya, saka lang siya aalis.

Fan nag-sorry sa ginawa sa VM

Nakita namin ang fan-made poster ng Victor Magtanggol na bina-bash sa GMA 7 dahil akala ang network ang naglabas at ginaya ang poster ng unang Thor movie. Kinailangan tuloy mag-post sa Facebook nang gumawa ng poster na si Paulo Naparan.

Gusto lang daw niyang i-level sa taste niya ang poster ng Victor Magtanggol sa poster ng Thor. He posted it sa Pinoy Graphic Artist FB group at nagulat na lang siya na kumalat ang poster at na-bash na ang GMA 7 at si Alden.

Nag-sorry si Paulo na ang intention lang ay suportahan ang Victor Magtanggol.

Ipinadala rin ng GMA 7 ang screenshots ng n­agrereklamong televiewers sa Skycable dahil nawalan sila ng cable signal at ‘yung iba, nakaranas ng cable signal interruptions sa pilot episode ng Victor Magtanggol.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with