^

Pang Movies

Andre seryoso ang panliligaw kay Rhian

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Andre seryoso ang panliligaw kay Rhian

Wow Salve A., kapag napasagot daw ni Andre Paras si Rhian Ramos bilang girlfriend nito, si Rhian daw ang magiging kauna-unahan niyang girlfriend.

Wala pa raw kasing nagiging girlfriend ito, at kinumpirma nga ng isa sa malapit niyang kaibigan ang ginagawa niyang panliligaw kay Rhian, at ito ay si Yassi Pressman.

Ayon kay Yassi, seryoso raw talaga sa panliligaw si Andre sa aktres simula nang officially i-announce ni Rhian na split na sila ng non-showbiz boyfriend niya.

Dalawa ang na-link kay Rhian noon, sina Mo Twister at KC Montero.

Asan na kaya ngayon ang dalawang iyon?

Maricel hindi nakakalimutan ang mga nagawa ni Dolphy

Ngayon ay kumpirmado nang kasama si Ri­chard Gutierrez sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry, Fantastica: The Princesses, The Prince and The Perya na pinagbibidahan ni Vice Ganda kasama sina Maris Racal, Loisa Andalio, at Maymay Entrata na pare-parehong produkto ng reality show na Pinoy Big Brother (PBB).

Mula ito sa produksyon ng ABS-CBN at idinirek ni Barry Gonzales.

Wish ko Salve A., sana mapasama sa nasabing movie ang tatlong top winners ng Miss Q&A na sina, Juliana Parizcova Segovia, Lars Pacheco at Matrica Mae Mat Mat Centino.

Nami-miss ko na kasi ang ‘kaechosan’ ni Facifica Falayfay, ang gay character na ginampanan ni late King of Comedy, Dolphy, na bumida sa ilang mga sikat niyang pelikula.

Samantala, speaking of Dolphy, touched naman ako sa tribute na ginawa ni Maricel So­riano kay Dolphy, pinasalamatan niya ito nang iabot sa kanya ang icon trophy sa katatapos lang na 2nd Eddys Awards.

Nagpasalamat siya rito sa pagmamahal, pag-aalaga at kabaitan na ibinigay nito sa kanya sa tuwing isinasama siya nito sa kanyang mga project.

Mas komportable raw si Maricel sa comedy, dahil daw iyon kay Dolphy at sa mga pelikula nito.

Kasama sa cast si Maricel sa upcoming series ng ABS-CBN, ang The Ge­neral’s Daughter na pagbibidahan ni Angel Locsin.

Julia tini-treasure ang bigay na bag ni Bimby

Bali-balitang marami raw ang nanonood ng pelikulang I Love You Hater nina Kris Aquino, Joshua Garcia at Julia Barretto.

Pare-parehong masasaya ang tatlo hindi lamang dahil sa kanilang success, kung hindi pati na rin para sa kanilang direktor na si Giselle Andres.

“Feel naming both ang pressure niya habang nagsu-siyuting kami for the movie. We are all aware nga kasi that I Love You Hater is part of the 25th anniversary offering ng Star Cinema,” sabi nina Joshua at Julia.

Masaya raw sila na makatrabaho si Kris, “Binubusog niya kami, kapag sama-sama kami sa set, ng kung anu-anong pagkain with mga nakatatawang kuwento. Plus pangaral,” pahayag pa ni Julia.

Inamin ni Julia na naging close sila ng 11 year old son ni Kris na si Bimby. May ibinigay daw ito sa kanyang bag, na iti-treasure niya, since alam daw niya how expensive ito.

Umaasa sina Joshua at Julia na makatrabahong muli si Kris pati na si Direk Giselle. For their next assignment, isang teleserye kung saan makakasama nila si Iza Calzado.         

JC at Bella susubukan ulit ang lakas

Will history repeat itself nga kaya para kina Bela Padilla at JC Santos na nauna nang nagkaroon ng entry sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa pamamagitan ng 100 Tula Kay Stella na tumabo sa takilya?

Kasama ulit ngayon ang dalawa sa PPP 2018 at may entry na The Day After Valentine’s.

Magsisimula na ang nasabing pista sa August 15 hanggang August 21.

Ang PPP ay proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chairperson Liza Diño-Seguerra.

vuukle comment

ANDRE PARAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with