^

Pang Movies

Ella at Donnalyn inaasahang papatok

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ella at Donnalyn inaasahang papatok
Donnalyn at Ella

Marami sa mga nakapanood ng pelikulang Cry No Fear nina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome ang nalungkot sa balitang hindi ito masyadong pinapasok sa mga sinehan.

Nakakalungkot dahil maganda pa ang feedback sa pelikula.

Bukod kina Ella at Donnalyn, ang gagaling din ng kanilang mga suporta.

Matinong pelikula ang Cry No Fear ng Viva Films, kaya marami pa rin ang umaasang ngayong weekend ay gaganda ang box-office result nito.

Sayang naman kasi kung ang isang matinong pelikula na gaya ng Cry No Feer ay hindi mapapanood at tuluyang mapu-pull-out sa mga sinehan, huh na dinirek ni Richard Somes.

Sharon-Gabby fans sumuko na rin

Napansin n’yo ba, hindi na masyadong pinag-uusapan ang posibilidad na matuloy pa ang reunion movie ng former love team of the 80’s at ex-couple na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Mukhang pati ang mga fan pa rin ng hottest love team of the 80’s ay isinuko na rin ang pag-asa nila na magkakasama pa uli ang dalawa sa isang pelikula.

Mukhang totoo rin naman na ayaw na talaga nina Sharon at Gabby na matuloy pa ‘yon dahil pareho na silang tahimik.

Ruffa todo throwback sa birthday

Ang hilig “magkalkal” ni Ruffa Gutierrez ng kanyang old photo albums.

Message niya sa akin sa isang social media app, “OMG! Look what I found!!!” na sinundan pa ng “Going through old albums and I found Elvis’ first kiss!!!”

Ang next na ipinadala sa akin ni Ruffa ay ang picture ng noon ay mga bata pa na sina Elvis at Matet de Leon na parang nagki-kiss at kuha sa set ng isang Regal Films movie.

Pati ang picture ng twin-brothers niyang sina Richard at Raymond kasama ang tatay nilang si Eddie Gutierrez at Susan Roces na publicity photo naman ng Sa­yang na Sayang (na dapat ay Kambal-Tuko ang title), ipinadala rin sa akin ni Ruffa.

“Vintage pics!” sabi niya sa pics na karga-karga ni Elvis ang kapapanganak pa lang noon na si Lorin (ang kanyang panganay na magpi-15 na sa August 3).

Pati ang picture ng ex niyang si Yilmaz Bektas na karga-karga ang si Lorin at picture nila ng nanay niyang si Annabelle Rama habang buntis siya sa kanyang panganay ay ipinadala rin ni Ruffa sa akin.

Minsan naman, pati pictures niya kasama ang ­ilang mga artista during the days na isa pa siyang Regal baby ay panay rin ang padala sa akin ni Ruffa.

Nagiging nostalgic kaya si Ruffa dahil birthday na niya bukas?

Actually, ‘yung birthday events niya mamaya at bukas ang pinagkakaabalahan naman ngayon ng nanay nina Lorin at Ve­nice, pero in between nga ay may time pa rin siyang magkalkal ng old photo albums niya!

Anyway, happy, happy birthday, Ruffa na kahit past 40 na ay mukhang in her early 30’s (o, sige na nga, late 20’s para mas matuwa siya) pa rin ang da­ting, huh! (Happy birthday Ruffing. – SVA)

vuukle comment

DONNALYN BARTOLOME

ELLA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with