^

Pang Movies

Aktres ayaw tantanan ang aktor na ‘Daks’!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Matindi talaga ang tama ng isang aktres sa aktor kahit wala pang aminan na naganap sa kanilang relasyon.

Saan mang magpunta ang aktres, well-informed ang aktor sa ginagawa niya. Kaya naman iwas na iwas ang aktres na dumikit sa ibang artistang lalaki dahil takot siyang makarating ito sa aktor.

Feeling naman ng ilang press, baka nagkatikiman na ang dalawa, huh! Balita ng daks din kasi ang kargada ng aktor na mana sa kanyang ama, huh!

Anne sinalag ang mga nandadawit kay Erwan

Pinaramdam ni Anne Curtis ang pagmamahal sa asawang si Erwan Heussaff nang dumipensa siya sa Buhay Carinderia controversy na kinasangkutan ng asawa.

Si Erwan ang content creator ng Buhay Carinderia video para i-promote ang pagkaing nabibili sa karinderya. Kinuha siya ng Marylindbert International, ang marketing agency na nag-organisa ng proyekto.

Sa interview ng media kay Anne sa isang event, nilinaw niyang na walang kinalaman ang asawa sa kontrobersiya. Pinayuhan na lang niya si Erwan na masanay na sa issues and controversies na pinagdaanan na niya.

“This too shall pass...” bahagi ng pahayag ni Anne.

Mabuti na lang, nandiyan si Anne sa tabi ni Erwan para salagin ang mga akusasyon sa kanya, huh!

Direk Joey Reyes nanawagan para sa So Connected at Citizen Jake

Nanawagan si Direk Joey Reyes sa kanyang Twitter na bigyan ng chance ang dalawang magandang Pinoy movies in showing this week, ang So Connected at Citizen Jake.

Ayon sa tweet ng premyadong direktor, “They  deserve a chance to reach out for a greater audience.”

Saad pa niya sa isang tweet, “And you realize that good Filipino movies like #CitizenJake & #SoConnected do not have solo cinemas but share the smallest screening venues in some malls. THAT says a lot as to why local cinema has remained this way.”

Kung hirap makakuha ng magagandang sinehan ang Citizen Jake, gayundin ang So Connected kahit na nga Regal na ang producer ng movie, huh!

Sa totoo lang, kahit nga Metro Manila Film Festival, hindi pantay-pantay ang hatian sa mga sinehang pagpapalabas ng entries, huh!

vuukle comment

JOEY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with