^

Pang Movies

Janella pinayuhang makipag-ayos sa ina

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Janella pinayuhang makipag-ayos sa ina
Janella Salvador

Nagbabakasyon sa Malaysia si Jenine Desiderio at ang kanyang anak na si Russel na nag-celebrate ng birthday. Hindi kasama sa Kuala Lumpur si Janella Salvador dahil busy ito sa promo ng So Connected, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na showing sa mga sinehan sa May 23.

At kahit siguro walang pelikula na ipino-promote si Janella, hindi pa rin siya mag-join sa biyahe sa Malaysia dahil sa feud nila ng nanay niya.

Ang makipagkasundo na si Janella kay Jenine ang payo sa kanya ng concerned citizens dahil baliktarin man ang mundo, a mother is a mother.

Naungkat uli ang tampuhan ng mag-ina dahil sa sinabi ni Jenine na hindi siya nakatanggap ng Mother’s Day greeting mula kay Janella noong May 13. Ang ibig sabihin, hindi so connected ang mag-ina sa isa’t isa dahil sa kanilang tampuhan na hindi magkaroon ng closure.

Princess Charlotte agaw-pansin ?sa kasalan

Confidently cute si Princess Charlotte, ang three year-old daughter nina Prince William at Kate Middleton na isa sa mga abay sa Royal Wedding nina Prince Harry at Meghan Markle noong Sabado.

Nakaw-eksena ang bagets dahil sa pagkaway at pagdila niya sa mga tao habang nasa sasakyan sila at papunta sa St.George’s Chapel ng Windsor Castle.

Nakuha ni Princess Charlotte ang atensyon ng mga tao dahil sa mga paandar niya. Natalbugan ng bagets ang kanyang Kuya Prince George na minana ang shyness ng tatay nila.

Mga kamag-anak ni Princess Diana sumulpot sa Royal wedding

Touching na panoorin ang mga eksena sa kasal nina Prince Harry at Meghan dahil imbitado ang buong pamilya ni Princess Diana, ang ina ng groom na sumakabilang-buhay noong 1997.

Dumalo ang lahat ng mga kapatid ni Princess Diana at ang kanyang mga pamangkin na malapit sa mga anak niya na sina Prince William at Prince Harry.

Kung nasaan man ngayon si Princess Diana, tiyak na maligaya siya dahil buhay na buhay sa puso at isip ng kanyang mga anak ang alaala niya. Sayang dahil hindi na naabutan ni Princess Diana ang kanyang mga apo dahil sure ako na spoiler lola siya.

Ex Battalion may serye na?

Ngayong gabi ang pilot telecast ng Inday Will Always Love You ng GMA 7 na replacement sa The One That Got Away na nag-babu sa telebisyon noong Biyernes.

Starring sa Inday Will Always Love You sina Barbie Forteza, Juancho Trivino at Derrick Monasterio.

Co-stars nila sina Gladys Reyes, Tina Paner, Manilyn Reynes at ang former classmate ko na si Nova Villa.

May special participation sa Inday Will Always Love You ang members ng Ex Battalion na hindi na maawat ang pag-aartista dahil ipinakita nila ang talent sa acting nang isadula ng Magpakailanman ang kanilang life story.

Ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas ang manager ng Ex Battalion at pasado na siya bilang manager dahil hindi nawawalan ng mga raket ang Ex Battalion mula nang tanggapin niya ang challenge na i-manage ang career ng grupo.

May another offer na teleserye sa Ex Battalion pero hindi pa tinatanggap ni AiAi dahil naka-focus ngayon ang atensyon nila ng kanyang mga anak-anakan sa anniversary concert na magaganap sa July 2018.

Nakapag-promise rin si AiAi sa Ex Battalion na mangyayari ngayong 2018 ang US concert tour ng kanyang mga talent na pangarap na makarating sa Amerika.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with