^

Pang Movies

Lito kinakarir na ang pagsasaka

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Lito kinakarir na ang pagsasaka
Lito

Bukod sa pagiging abala sa FPJ’s Ang Probinsyano, tutok din si dating Sen. Lito Lapid sa  napakalawak niyang farm sa Porac, Pampanga. Nabili ito ni Lito noong kalakasan ng kanyang career  sa Merick Production ni Jesse Chua. Napakamura ng mga lupain that time na halos i-give away ng gobyerno sa kundisyon na kayang bungkalin at taniman ng mga iba’t ibang punong-kahoy. Bale ba sa paanan ng bundok (Mt. Arayat) matatagpuan ang pag-aaring lupain ng dating senador.

Patunay din ito na mahusay siyang humawak ng pera na kanyang pinagpaguran nung kalakasan ng kanyang career.

Ngayon bukod sa pagiging aktor, masasabi ring isa siyang magsasaka.

Masaya siya, one time dinalaw namin siya sa farm sa Porac. Hindi namin siya nakilala, naka-malaking sumbrerong balanggot sa ulo, maluwag na pantalon, tagpi-tagpi ang long sleeve na pang-itaas. Kaso kahit basahan ang suot, guwapo pa rin. Pasan niya ang dalawang buwig na saging na saba. Nagpalaga siya na siya ng saba na naging meryenda namin, sarap! At pinainom kami ng ilang lagok ng pinakuluang serpentina.

Ang serpentina ay gamot sa diabetes at isa lang ito sa mga herbal plant sa malawak na herbal garden niya.

Very apologetic si Sen. Lito sa ayos niya. Day naman, alangan naman na mag tuxedo siya. Magsasaka daw siya pag walang teyping ng Ang Probinsyano.

Glaiza ibang iba na ang hitsura!

Dati ko nang kilala si Glaiza de Castro. Hindi pa siya kagandahan noon, pero attractive na siya, tipong artista. E, kasi bata pa siya noon at hindi pa uso ang pampaganda, pampakinis ng kutis, sabon na nakakaputi at kung anik anik pa.

Mas kilala si Glaiza na magaling kumanta.

‘Yung husay niya sa pagkanta ay minana niya sa kanyang ina na soloist ng banda sa isang night club sa ibang bansa. ‘Yung sa akting naman ay minana niya sa kanyang tiyuhin na isang magaling na action star at ka-level ni Lito Lapid, si Dan Alvaro na ngayon ay isa sa officer ng security force ni Bulacan  Vice Governor Daniel Fernando.

How time flies! Ibang-iba na si Glaiza, siya na ngayon si Contessa, sa isang series ng GMA7.

Kahit saang angulo mo sipatin ang ganda niya, flawless! At magaling ng umarte.

Personal…

Condolences sa mga naulila ni Cheng Muhlach na yumao na kamakailan (Saturday) na bunsong kapatid nina Alex Muhlach at Amalia Fuentes.

Matagal kong naka-bonding si Cheng noong nag-P-PR pa ako kay Beth Bautista. Matagal na ring hiwalay sina Cheng at Beth. Napakabait na tao.

Mga anak niya sina Aga Muhlach, Nog Nog, Barok, Almirah at AJ.

Nai-cremate na ang kanyang labi at inilibing na ito. Eternal rest grant unto the soul of Cheng oh Lord, and let perpetual light shine unto him. May you rest in peace now and forever. Amen!

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with