^

Pang Movies

Sharon nagpaliwanag sa paglayas sa concert ni Bruno Mars

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Bago pa man intrigahin ng iba, si Sharon Cuneta na mismo ang nagpaliwanag sa kanyang social media account kung bakit hindi niya tinapos ang panonood ng concert ni Bruno Mars noong Friday.

“I had to leave the Bruno Mars concert early with Gugie and Yellie but left Kakie and her friends and even our Yayas and Peachy, Penny and Beyoncé Jeff Aromin with my son (nephew) Daniel to finish the show kasi I want them to enjoy naman! Yellie’s a bit sick, Gugie couldn’t stand the loud fireworks (“I think it’s better Mama if we watch Bruno on your laptop while we’re eating!” Oo nga naman hahaha!). And me - well - I’m Mama! I go where my littlest ones go even if I LOOOOVE BRUNO!” part ng mahabang post ng Megastar.

Sinabi pa ni Sharon na song #3 or #4 yata ay umalis na siya dahil nga sa mga anak.

Idinagdag din ni Sharon ang sabi niya ay, “Small kuwento - Bruno’s bodyguard who flew in from the U.S. 3 days ago daw was my bodyguard in one of my U.S. shows. He’s Fil-Am. Proud ako siempre! Hahaha!”

Isa si Sharon sa mahabang mag-post sa kanyang social media accounts, pero naaaliw ang kanyang followers dahil para nga nilang nai-imagine na nagto-talk.

Sarah iba na ang level ng energy!

Kakaibang Sarah Geronimo ang napanood ng kanyang fan sa This 15 Me concert na ginanap sa Copernicus Center sa Chicago, Illinois noong Friday.

Mas bonggang performance nga raw ang ibinigay ni Sarah at hindi siya na­ging emotional at hindi raw siya kinakitaan ng pagkapagod unlike her Las Vegas concert na pinag-usapan dahil halos nag-breakdown siya.

“Nagbiro pa si Sarah na hindi siya emotional, kaya tawanan ang audience!” kuwento ng isa sa production staff ng concert.

Grabe rin daw ang reaction ng audience sa bawat kanta ni Sarah. Hiyawan sila nang hiyawan.

“Love na love siya ng audience. Sobrang na-appreciate ang ga­ling niya. Bongga ang palakpakan sa bawat kanta niya.

“Kakaiba na rin ang energy ni Sarah. Relaxed talaga siya, kaya todo ang performance niya!” dagdag pang kuwento ng This 15 Me Chicago concert.

Tuwang-tuwa rin daw ang mga na mahala sa nasabing concert dahil full house sila samantalang days before ay may nang-iintriga na mahina ang benta ng tickets nila.

Pero dinumog nga raw ang concert at mismong si Sarah ay tuwang-tuwa.

Mamayang gabi na nga pala ang last concert ni Sarah para sa kanyang This 15 Me US concert tour at magaganap ‘yon sa Colden Auditorium sa New York City.

Monday naman ang alis niya ng NYC pauwi ng bansa.

Bong suportado pa rin nina Phillip, Tirso at Albert!

Mahal talaga si former Senator Bong Revilla ng kanyang mga kaibigang aktor dahil suportado ng mga ito ang pagbabalik sa pagpoprodyus ng pelikula ng kanilang Imus Productions.

Star-studded pala ang trilogy movie na ginagawa ngayon ng production company ng mga Revilla/Bautista.

Ilan sa mga kaibigang aktor ni Bong ang nag-guest na roon.

Kabilang sa mga mapapanood sa pagbabalik-pelikula ng Imus Productions ay ang mga kaibigan ni Bong na sina Phillip Salvador, Tirso Cruz III, Albert Martinez at iba pa.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with