^

Pang Movies

Aktres na asensado, hindi pa rin nakakalimot magbahagi ng blessings

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Super well na nga palang talaga, Salve A., ang kabuhayan ng isang aktres, na dati’y better-half to at kilalang producer for movies.

May anak na silang isa at happily, napalaki niya ito ng matino.

Graduate na ito from a university at may sarili nang hanap-buhay. And happily married as well.

In the case of the actress, nagka-relasyon muli siya, to someone who was not only able to give her a better life, kung kabuhayan ang pag-uusapan, kung hindi buhay na pangarap ng bawat babae. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya.

May isa silang anak na kasama nila at nagmana ng lahat nang ipinundar na kabuhayan ng lalaki.

Pero ang maganda sa aktres na ito, Salve A., ay hindi siya nakalimot sa mga taong naging bahagi ng kanyang nakaraan. To date, halimbawa, hindi man madalas, naaalaala niyang bahaginan ng tulong ang isang movie reporter, na nanatiling ka-close niya at malaki ang naitulong sa kanyang career bilang artista.

Ito ay kahit di naman tuwirang humihingi sa kanya ng tulong ang ating hanggang ngayo’y colleagues, Salve A.

Top celeb na hindi masaya sa kasikatan, pinayuhang mag-share ng blessings sa nangangailangan

Hindi rin nabago ng hanggang ngayon tinatamasa niyang katanyagan, not to say, kasaganaan, para magbago ang aktor na ito. Yes, sa pagiging mabait at matulungin sa kapwa.

Likas, kung sabagay, na marunong siyang lumingon sa kanyang pinanggalingan, kumbaga. At maging maluwag sa mga taong naging katulong niya sa kung anumang kanyang narating.

Which apparently is the reason kung bakit di lang maganda ang kanyang buhay, kung hindi may masaya pa siyang pamilya.

Na labis-labis daw niyang ipinagpapasalamat sa Diyos, noon pa man, hanggang nga­yon.

Which is why, Salve A., advice namin sa isang top celebrity, who very well claim that he has everything but not happy, to share his blessings. Not necessarily lang sa mga taong related at malalapit sa kanya, kung hindi maging doon na sa iba niyang mga kasamahan sa trabaho, na tiyak namin, aware, siya, ay nangangailangan ng tulong.

And to top it all, huwag niyang kalimutang magpasalamat sa nasa ‘itaas’ as he is actually exceptionally blessed.

Paulo kumambyo sa anak na si Aki

Bagama’t open na ang pakikipag-relasyon ni LJ Reyes kay Paolo Contis at ‘di rin niya ipinagkakailang may kakaibang closeness ng namamagitan between Paolo and her son Aki, whose real Dad of course is Kapamilya actor, Paulo Avelino, hindi ito nangangahulugan na pinutol na niya ang karapatan ni Paulo bilang ama ni Aki.

After all nga raw, di naman na-miss ni Paulo sa kanyang duties bilang ama ni Aki. Pinapasyalan daw ni Paulo si Aki sa iskul nito. At madalas mag-usap ang mag-ama.

Pati na rin daw sila ni Paulo are civil to each other.

While there are reports that LJ, a Kapuso from the start of her showbiz career, may in time, turn Kapamilya, she’d rather not deny nor confirm the report.

Meanwhile isa sa pinaka-busy na talent ng ABS-CBN si Paulo, since bukod sa napapanood siya daily sa series na Asintado with Julia Montes at Shaina Magdayao as his leading ladies, he plays co-star din nina Bea Alonzo at Derek Ramsey in the soon-to-be released Star Cinema movie Kasal, directed by Ruel Bayani.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with