^

Pang Movies

Claudine pinagdadamot na ang mga anak kay Raymart?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Claudine pinagdadamot na ang mga anak kay Raymart?!
Claudine Barretto

Nakakalungkot naman kung totoo ang balitang hindi nakarating si Raymart Santiago sa graduation ng adopted daughter na si Sabina dahil hindi raw ito pinaalam ng estranged wife niyang si Claudine Barretto.

Ayon sa aming source, kung alam daw ni Raymart ang tungkol sa graduation ni Sabina, tiyak na pupunta ito kahit na busy pa ito.

Pero ang nandun daw sa graduation ni Sabina ay ang ninong nito na si Piolo Pascual. Ito raw ang umakyat sa stage kasama si Claudine.

Naguguluhan ang aming source dahil inakala niya na maayos na ang communication nina Raymart at Claudine. Pero bakit daw kailangan na ilihim pa ni Claudine ang graduation ni Sabina kay Raymart?

Hindi natin alam ang buong istorya kaya hintayin na lang nating magsalita sina Raymart at Claudine tungkol sa pangyayaring ito.

Tom hindi pa rin nalilimutan ang nangyari sa ama

Hindi pa rin daw masyadong nakaka-move on ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa pagkawala ng kanyang ama.

Pumanaw ang ama ni Tom dahil sa sakit na lung cancer noong nakaraang taon.

Kahit na isang taon na raw ang nakakaraan, nalulungkot pa rin daw si Tom lalo na kapag nakikita niya ang anumang bagay na nakakapagpaalala sa kanya tungkol sa kanyang ama.

Kaya sa eksena raw ni Tom kunsaan kasama nito si Irma Adlawan na gumaganap bilang ina niya sa teleserye The Cure, bumalik daw sa kanya ang memories ng kanyang ama noong may sakit ito sa ospital.

Ex ng ka-Glee na na-OD ikakasal na!

Pinagmamalaki ng Glee star na si Lea Michele ang kanyang engagement ring noong nakaraang April 28 sa kanyang Instagram.

Engaged na si Lea sa kanyang boyfriend na si Zandy Reich.

Isang four-carat elongated radiant cut ring na personally designed ng kanyang fiancé at pinagawa kay Leor Yerushalmi at The Jewelers of Las Vegas.

Ayon sa report ng People: “The couple couldn’t be happier. They’ve been friends for a long time, a few years. Things turned romantic recently and they’re dating now.”

Nag-date noong July 2017 sina Lea at Zandy, who is the president of the clothing company AYR.

Nakarelasyon noon ni Lea ang co-Glee star niya na si Cory Monteith who died of drug overdose noong July 2013.

Matagal din daw bago naka-recover si Lea sa pagkamatay ni Cory.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with