^

Pang Movies

Moira naka-jackpot sa prenup video!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Moira naka-jackpot sa prenup video!
Jason Marvin at Moira dela Torre

Umaabot na sa mahigit isang milyon ang nakiiyak sa music video ng hugot singer na si Moira dela Torre sa single nitong Tagpuan mula sa Star Music, kahit last April 28, 2018 lang ipinalabas ang official video.

Nagmarka rin ang official music video na Tagpuan sa 4th spot ng YouTube. Nagsilbing prenup shoot ang nasabing music video na naging paborito ang kuwento ng kanilang love story ni Moira at ng nobyo na si Jason Marvin.

Ang cute ng mga reaction ng celebrities na nanood ng music video gaya nina Vice Ganda, Gary V., Angelie Pangilinan, Yeng Constantino, at iba pa.

Mas bumigay si Julia Barretto na parehong kinilig kasama ang kapatid na si Dani. Pero hindi napigilan ni Julia ang humagulgol sa touching na ending ng magandang kuwento ng kantang Tagpuan ni Moira. Naka-relate much si Julia dahil galing din ito sa broken family at dama ang pinagdaraanan ni Moira na iniwan din ng kanyang tatay noon.

Naka-jackpot na naman si John Prats bilang siya uli ang director ng music video gaya rin ng single ni Moira na Malaya.

Sarap pakinggan at panoorin ng music video na Tagpuan ni Moira na nagbigay muli ng pag-asa at inspirasyon sa mahigit isang milyong viewers.

vuukle comment

JASON MARVIN

MOIRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with