^

Pang Movies

Balat ng isang beauty queen, parang may libag

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Marami ang nakapansin na hindi maganda ang skin ng isang beauty queen na ngayon ay nagsu-showbiz na rin.

Ang payo ng iba kay beauty queen, alagaan niya ang kanyang skin.

“Pa-body scrub muna siya, she has ugly skin! Parang may libag!” komento ng isang nakapansin ng hindi kagandahang skin ng beauty queen na ito.

Isa pa, kailangan ni beauty queen turned showbiz personality na mas ayusin pa ang pagme-make-up dahil may mga pagkakataon na hindi maganda ang dating niya.

Sa isang event nga, hindi siya nakilala ng isang showbiz press at nag-dialogue siya ng, “Hindi kasi ako naka-make-up na pang-beauty queen.”

‘Kaloka!

Pops nagbabalak dumalo sa memorial service ng ex-father in law

Sobrang lapit ni Pops Fernandez sa father-in-law niya na si Bert Nievera!

Kahit nagkahiwalay nga sila ni Martin Nievera, never namang sinabi ni Pops na ex-father-in-law niya ang yumaong veteran singer.

Nang magkaroon nga ng mass ang ABS-CBN para kay Mang Bert, mugto ang mga mata ni Pops.

Ang dinig namin, nagbabalak si Pops na samahan ang mga anak niyang sina Robin at Rams Nievera sa pagpunta sa Las Vegas, Nevada para sa memorial service para kay Mang Bert.

Nang makausap namin kahapon si Pops at nanghingi kami ng update kung makakapunta ba talaga siya sa Las Vegas, sinabi ng tinaguriang Concert Queen na hindi pa naman siya sigurado.

“I’ll see if I can go,” sabi ni Pops dahil marami pa siyang dapat ayusin sa kanyang schedules.

Barbi ayaw gumimik para bumenta ang pelikula

Tama lang na maging open si Barbie Forteza sa relasyon nilang dalawa ni Jak Roberto kahit may dalawa silang proyekto ni Derrick Monasterio, ang pelikulang Almost A Love Story at ang GMA 7 primetime series na Inday Will Always Love You.

Hindi dapat paasahin ang fans ng love team nila ni Derrick na puwedeng magkaroon talaga sila ng relasyon.

Puwede namang kumita ang pelikula nila at mag-rate ang kanilang series na hindi gigimik sina Barbie at Derrick.

Eh, noon nga sa This Time I’ll Be Sweeter movie nila ni Ken Chan ay pinigilan si Barbie na maging open tungkol sa relasyon nila ni Jak, pero hindi rin kumita ang pelikula nila ni Ken.

So, better na ‘yung hindi lokohin ang fans tungkol sa tambalan nila ni Derrick para kahit may iba siyang karelasyon ay suportahan pa rin ng fans ang projects ni Barbie!

BFF pa naman concert ni Kakai ‘di sinipot ni Maja!

Sabi ng isang kakilala na nanood ng concert ni Kakai Bautista sa Music Museum noong Friday, maganda naman daw at magaling talaga ang singer/comedienne.

Mga 80% daw ang audience sa Music Museum at mukhang kumita naman daw ang show.

Ayon naman sa producer/director ng concert na si Frank Lloyd Mamaril, 70% naman daw ng tickets ang nabenta, kaya marahil ‘yung ibang nanood ay complimentary tickets ang gamit. Happy raw siya sa performance ni Kakai at hindi siya nagkamali na ipagprodyus ito ng concert.

Wala naman sa concert ni Kakai ang kaibigan niyang si Maja Salvador na nagbabakasyon abroad.

vuukle comment

BEAUTY QUEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with