^

Pang Movies

Kahit may jetlag, Marian bibiyahe sa Agusan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kahit may jetlag, Marian bibiyahe sa Agusan!
Marian

Last Tuesday, April 3, bumalik ang mag-anak na Dingdong, Marian at Zia Dantes from their European vacation kaya naman ang mag-ina, wala raw ginawa kundi matulog dahil sa jetlag, kuwento ng manager niyang si Rams David. 

Si Dingdong ay umalis noong April 5 for New Jersey, kasama sina Lovi Poe, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Betong Sumaya at Alden Richards para sa Sikat Ka Kapuso concert nila ngayong Sabado, April 7, kasama ang manager niyang si Perry Lansigan.

“Pero kahit may jet lag pa, paalis kami ni Marian ngayong Saturday morning for Agusan del Norte para sa Gabay Guro celebration doon,” kuwento ni Ateng Rams.  “Noon palang ipinalalabas pa ang Super Ma’am ni Yan, na-inspire ang mga teachers dahil sa character niyang isang teacher kaya nakipag-communicate sila kay Marian, kung pwede siyang maimbitahang mag-guest sa Gabay Guro. Wala pa namang gagawin si Yan, pumayag siyang pumunta ng Agusan del Norte. Pero babalik din kami mamayang hapon after the celebration.”

Kasal nina Christian at Kat, wala pa ring detalye

After ng media conference ng kanilang 3 Stars 1 Heart na magaganap sa April 14, sa CSI Stadia, Dagupan City in Pangasinan, hindi naman nagkait si Christian Bautista na sagutin ang tanong ng mga entertainment press para sa pagpapakasal nila ng girlfriend na si Kat Ramnani, head of music content at Globe Telecom.  Last November, 2017 sila naging engaged.

“Yes, tuloy na kami before the year ends,” nakangiting sagot ni Christian.

“Kaya lamang hindi pa ako makapagbibigay ng complete details dahil naghahanda pa lamang kami, inaasikaso pa lamang namin every single details ng pagpapakasal, kung ano ang gusto niya at kung ano ang gusto ko. Nakakatuwa na excited din ako sa paghahanda namin ni Kat. Marami akong natututunan.

“Naisip ko nga na ang paghahanda pala sa kasal, para ka ring naghahanda sa isang concert na gagawin mo. Ihahanda mo ang marriage contract na hindi pa namin napapa-register, ang venue, kung saan gagawin ang wedding at reception, siyempre may lights, may flowers, may guest lists.”

Kaya work daw muna siya. 

The Clash ni Regine, may pa-audition sa online

Hindi pa nasagot ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa media launch ng kanilang 3 Stars 1 Heart, kung kailan magsisimula ang bago niyang talent show sa GMA 7, ang The Clash. Mayroon pa raw pa-audition ang GMA 7 para sa hindi nakarating sa auditions sa buong bansa, sa online.  

Ipadala lamang ang inyong audition videos sa Facebook @TheClashGMA, kasama ang names, address, social media accounts at contact numbers, at kung may nasalihan na silang singing contest noon.

vuukle comment

RAMS DAVID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with