^

Pang Movies

Kris tinaob na ni Sharon sa pambabaha sa social media

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kris tinaob na ni Sharon sa pambabaha sa social media
Kris Aquino

Dinaig na talaga ni Sharon Cuneta si Kris Aquino pagdating sa non-stop postings sa Instagram. Puwede nang bansagan si Shawie bilang Megastar of Instagram, huh!

Wala kasing araw na zero sa posts sa IG si Sharon. Old and new pictures, quotations at siyempre, ang mga emote niya lalo na nitong nakaraang araw, huh!

Matapos niyang lumitanya after ng interview sa kanya ni Korina Sanchez, ang paglabas naman ng mga artistang itinuturing niyang kaibigan ang posts niya. Nariyan sina Zsa Zsa Padilla, Lorna Tolentino, Judy Ann Santos, Vilma Santos-Recto, AiAi delas Alas, ang Sotto-Gamboa sisters, Carmina Villaroel, Pops Fernandez, Manilyn Reynes at ang latest nga ay si Kris Aquino.

Mula sa pagiging fan ng loveteam nina Sharon at Gabby, nabuo ang friendship ng dalawa at nitong nakaraang mga araw, isa si Kris sa nagdarasal na makamit ni Shawie ang tunay kaligayahan. Nagpalitan din sila ng mga mga mamahaling regalo.

Glaiza pressured sa Contessa

Tough act to follow ang papalit na programa ng GMA Afternoon Prime na Ika-6 Na Utos na magtatapos na sa March 19. Malaking responsibilidad ang nakapatong sa balikat ng cast ng Contessa lalung-lalo na sa female lead na si Glaiza de Castro, huh!

Mahigit isang taon umere ang IANU, consistent sa pagiging number one daytime drama pagdating sa ratings at umani rin ng maraming awards.

Eh mabuti na lang, alam na ng Kapuso Network ang panlasa ng afternoon viewers na hooked na hooked sa mga eksenang nagbabakbakan ang mga pangunahing bida. Bawat afternoon series ng network ay palung-palo talaga sa manonood, huh!

Kabado si Glaiza sa malaking break na ibinigay sa kanya ng network. Naku, kilalang magaling na aktres si Glaiza kaya maning-mani lang sa kanya ang role na gagampanan niya.

“Sobrang honored ako. The role itself is challenging at nakapalaking responsibility niya. It just means malaki ang tiwala sa akin ng GMA and na-appreciate ko na binibigyan ako ng important projects that will enhance my skill as an actor,” saad ni Glaiza sa mediacon ng series.

Makakasama ni Glaiza sa Contessa sina Jak Roberto, ang magkapatid na Geoff at Gabby Eigenmann, Lauren Young, Chanda Romero, Tetchie Agbayani at iba pa

May guest role Mark Herras at mula ito sa direksyon ng Impostora megman na si Albert Langitan.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with