^

Pang Movies

Mark alagang-alaga ang hitsura

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Nakita ko the other day si Mark Herras sa isang convenient store sa Golden City, Sta Rosa, Laguna. Solo lang siya, hindi kasama ang kanyang forever, ang beauty queen na si Winwyn Marquez.

Aba, ang pogi ni Mark, iba na nga naman ang may nag-aalaga. Ang alam ko, ginawang investment ni Mark ‘yung house and lot nila sa Golden City, kahit wala na ang parents niya. Sa bagay, may ilang property na rin siya at okay naman ang kanyang showbiz career lalo’t alaga siya ng GMA 7 at may mataray na manager, si Lolit Solis.

Sherlock hahatulan na

Palabas na ngayong araw, Enero 29, ang primetime series na sure akong magki-click dahil ito ay may kuwento tungkol sa aso na local man o imported ay napakasarap alagaan kahit pa pasaway.

Pero kung katulad ni Serena or Siri ang aso, tiyak mai-inlove kayo. Si Siri ang bidang aso sa Sherlock, Jr.

Si Sherlock, Jr. ay isang investigative reporter na gagampanan ni Ruru Madrid. Overwhelmed si Ruru dahil sa napakalaking role ang ibinigay sa kanya ng network. At least huh, nagbunga ang kanyang matagal na paghihintay, hindi siya natuksong lumipat sa ibang channel, sa kabila ng mga imbitasyon sa kanya.

Panay ang workshop ni Ruru bilang paghahanda sa nasabing serye na mapapanood pagkatapos ng 24 Oras. At bilang malaking project, heavy cast ito at makakasama niya ang mga magagaling na GMA talents na sina Janine Gutierrez, Gabbi Garcia, Comedy Queen AiAi delas Alas, Tonton Gutierrez, Roi Vinzon, Sharmaine Arnaiz, Rochelle Barrameda, Matt Evans, Kate Valdez, Alyana Asistio, Sofia Pablo, at Andre Paras.

Speaking of Andre, napakagaling niyang mag-host. Maganda ang bagsak ng kanyang salita.

Ang direktor ng nasabing serye ay girl, si Rechie del Carmen with her team, sina Aloy Adlawan, Roy Iglesias, Richard Cruz, Rj Nuevas, Denoy Navarro Punio, Des Garbes Severino, Jmee Katayag, Jason John Lim, Kutz Enriquez, El Ortizluis at Dantes Usman. And of course with the supervision ng Entertainment Content Group na sina Lilybeth Rasonable, Redgie Magno, Cheryl Ching Sy, Helen Rose Sese and Darling Pulido Torres, the Executive Producer.

Napakatalinong aso ni Siri, at very polite, pero tulo-laway ako nang sabihan siya ng trainor ng “pray” dahil nagdasal siya!

Sharmaine kailangang mag-exercise

Isa si Sharmaine Arnaiz sa may napakagandang mukha sa showbiz. At ngayon lang ulit siya muling mamamayagpag sa telebisyon. Dapat nag-work out muna siya dahil malaki ang itinaba niya, kahit na ba nanay role lang ang gagampanan niya, maganda pa rin kung pati hugis ng katawan niya ay tawag-pansin.

This time raw ay magku-concentrate na siya sa acting dahil wala na siyang aalagaan. Ang younger sister niya na si Bunny Paras ay nasa US na namimirmihan with her family. Ang kasama ni Sharmaine bukod sa pamilya niya ay ang kanyang inang si Candy Velasco, na kahit may edad na ay napakagandang babae at young looking pa rin dahil clean living lang daw sila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with