^

Pang Movies

Ritz ‘bisyo’ na ang mangbasted ng mga manliligaw

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Natanong ni Ritz Azul kung mortal sin daw ba na hindi siya nagkaroon ng boyfriend, since birth.

Eh, katuwiran niya, 23 years old pa lamang naman daw siya. At hanggang ngayon ay wala pa siyang balak magka-boyfriend.

Eh, bakit nga ba? Tanong ng ilang reporters na nagkaroon ng pagkakataong ma-interview siya, wala man lang ba sa kanyang nanligaw, o baka naman pihikan siya?

 “Manliligaw, nagkaroon naman ako,” sagot ni Ritz na isa palang Kapampangan. “Noon at ngayon, ha.

“At anyone of them would make an ideal boyfriend,” dagdag ni Ritz.

“Pero, sa edad ko, feeling ko, ‘di pa ako prepared for a relationship.

“Kung maaari kasi, ang gusto ko ang first boyfriend ko ang makatuluyan ko,” ang sagot ni Ritz sa isang kaibigan na narinig ng press.

Meanwhile, overwhelmed daw sina Ritz, Paulo Avelino at Ejay Falcon sa magagandang reviews at feedback na kanilang naririnig at nababasa tungkol sa kanilang ongoing series.

Tuwing Linggo ay napapanood si Ritz sa Banana Sundaes, kung saan niya nakakasama sina Angelica Panganiban, John Prats, Jobert Austria, Jayson Gainza and Pooh, among others.

Nate nina Regine at Ogie mahilig nang mag-perform

Ogie Alcasid, who turned 50 last August, must feel proud and happy na nabigyan niya ng apong lalaki ang kanyang mga magulang.

Siya raw ang only boy sa pamilya kaya siya ang junior ng amang si Herminio Alcasid, Sr.

May dalawang anak na parehong babae si Ogie, sina Leila at Sarah sa dating asawang si Michelle van Eimeren.

Anak naman niya sa kanyang misis na si Regine Velasquez ang six year-old na si Nate (real name: Nathaniel James).

Though, according to Regine, ‘di nila ini-encourage ang anak na lumaking performer din tulad nila, this early, nahihilig raw ito sa pagkanta at sa pag-arte sa entablado.

Ogie will be one of the performers tonight (Sept. 17) sa PLDT Gabay Guro Grand Tribute for teachers na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

The event in organized by Gabay Guro Foundation, headed by Chaye Cabal-Revilla, wife of Congressman ng Bacoor City, Strike Revilla.

Now on its 10th year, Gabay Guro Foundation has for its Grand Advocacy head, Gary Dujali, PLDT exe­cutive.

Marian may karanasan sa pagtuturo

Kung at home sa kanyang role bilang teacher sa upcoming series ng GMA 7, Super Ma’am si Marian Rivera, ito’y dahil, at one time, na­ging teacher talaga siya. Well, ng mga pre-schoolers.

A graduate of Psychology from the De La Salle University, Marian, in an interview told us, na dream talaga niyang maging isang teacher.

Pero mas sumikat agad siyang showbiz personality. At wala raw siyang pinagsisisihan. After all nga naman, kung hindi siya nag-artista, baka ‘di nagtagpo ang landas nila ni Dingdong Dantes. At malamang na hindi nagkaroon ng Zia, their one year-old daughter.

Sa Super Ma’am, gaganap si Marian bilang teacher na may super power, which allows her na makipag-buno sa extraordinary powerful creatures sa series na tinatawag na Tamawo.

Makakasama niya sa serye sina Helen Gamboa, Dina Bonnevie, Carmina Villaroel, Jackie Lou Blanco and AiAi delas Alas, who is featured in a very special role.

The young talents featured are Kristoffer Martin, Kevin Santos, Ash Ortega, Meg Imperial and new Kapuso talent, Matthias Rhoads, who introduced bilang bagong leading man ni Marian.

Rita Avila may book signing pa

Today (Sunday, Sept. 17) is the second day that actress cum book author Rita Avila will be signing books na sinulat niya sa St. Pauls Booth, SMX MOA, from 5pm to 7pm only.

The books which are mostly for children will likewise, benefit adult readers, too.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with