^

Pang Movies

Prangkisa ng GMA, lusot na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

 Lusot na ang GMA 7. Sigurado na sila sa kanilang broadcast sa susunod na 25 years matapos na maging batas ang pinirmahan ni Presidente Digong Duterte na RA 10925, na nagbibigay sa kanila ng permiso na mag-broadcast sa pamamagitan ng telebisyon, radio, on line at sa iba pang pamamaraan. Iyan ang tinatawag na “franchise” na ibinibigay sa pamamagitan ng isang bill na nagmumula sa House of Representatives.

Kailangan ang prangkisa dahil sa paniniwalang ang may-ari ng himpapawid ay ang mga mamamayan ng Pilipinas, kaya ang sinumang gustong gumamit sa ano mang kadahilanan o paraan ay kailangang humingi ng permiso mula sa gobyerno.

Bago na ang franchise na iyan ng GMA dahil iyong luma nila ay nakuha noong panahong sila ay kilala pa bilang Republic Broadcasting System. Mas matibay na sila ngayon dahil sa bagong franchise. Nakakasiguro na sila sa patuloy na broadcast. Bagama’t ‘yan ay maaari rin namang kanselahin ng gobyerno.

Ang ABS-CBN ay nakabitin pa ang bagong franchise. Ayon sa balita, nasa committee level pa lamang sa kamara ang sa Kapamilya Network. Iyong kasalukuyan nilang franchise ay matatapos na sa 2020, ibig sabihin ay tatlong taon na lang kung hindi lalabas ang bago. Matagal na silang nag-petition sa panibagong franchise, panahon pa ni Noynoy Aquino. Siguro nga kasi mas madaling makakalusot iyon noong panahong iyon, dahil hindi naman maikakailang malapit sila sa mga Aquino, pero hindi naayos sa House.

Ang House Bill 4249 na siyang magbibigay ng franchise sa ABS-CBN ay ipit pa nga, at sinasabing nakakaapekto iyon sa investors ng kumpanya. Pero naniniwala kami na lalabas din naman iyan bago matapos ang kasalukuyan nilang franchise. Imposibleng pabayaan nilang mawala sa kanila ang ABS-CBN na siyang flagship ng kanilang mga kumpanya. Nawala na sa mga Lopez ang Meralco, Maynilad, at iba pang negosyo pati ang Bayantel na naibenta na rin nila. Matagal na ring nasara ang kanilang diyaryo, ang Manila Chronicle. Hindi na nila pakakawalan ang ABS-CBN.

Kaya waley career? KC lulong na sa love life!

Ngayon lumabas na ang balita na si Pia Wurtzbach na nga ang magiging host ng Binibining Pilipinas at hindi na si KC Concepcion kagaya noong unang napabalita. Siguro naisip nila na hindi naman laging may dating Miss Universe na maaari ring maging host, samantalang ilang taon na naman nilang nakukuhang host si KC. Siguro nga ok lang naman ang desisyong iyon.

Pero ano nga ba ang nangyayari sa career ngayon ni KC? Wala yata kaming nababalitaang pelikulang gagawin niya. Hindi rin naman siya aktibo sa telebisyon. Ang madalas mong mabalitaan ay nasa abroad siya, o nasa bakasyon kasama ang kanyang boyfriend na si Aly Borromeo na isang footballer.

Hindi naman siya mataba kagaya ni Sharon para masabing iyon ang problema kaya wala siyang assignment. Ano nga ba ang talagang problema sa career ni KC?

Aktres guilty sa bf na bading!

Nag-react ang isang female star dahil sa aming blind item tungkol sa isa ring female star na masyadong in love sa kanyang boyfriend kahit na alam niyang iyon ay bading. Nagpadala ng personal message sa social media ang female star sa amin na ang tanong ay “is there anything wrong if a woman falls in love with a gay man? After all he’s still a man even if he’s gay.” . Halata bang siya iyon?

 

vuukle comment

DIGONG DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with