^

Pang Movies

Rich gusto nang pakasalan at anakan ng BF na Volcano

FROM FAR AND NEAR - Ruel Mendoza - Pang-masa

Handa na nga bang mag-propose ang Philippine Volcano member na si Benjamin Mudie sa Kapuso actress na si Rich Asuncion?

Sa nakaraang birthday nga ni Rich, nag-post sa kanyang Instagram si Benj ng kanyang pagbati sa long-time girlfriend at parang nagparinig ito na dapat mag-isip na si Rich na mag-settle down.

Happy birthday to my amazing girl. Can’t wait for more amazing journeys with you and am so grateful to have you in my life. You’re getting close to that age where you should start thinking about settling down and starting a family. Love you always xo” caption pa ni Benj.

Inamin ni Rich noon na pinag-uusapan na nila ni Benj ang mag-settle down, pero marami pa raw silang kailangan ayusin.

Tulad ni Rich na tumutulong pa sa kanyang pamilya sa Bohol.

Nagtayo sina Rich at Benj ng isang nail salon sa BGC noong nakaraang taon. Hands-on silang dalawa sa pagpapatakbo nito.

La La Land pambihira ang nakuhang nominasyon

Ang Hollywood musical film na La La Land ang nakakuha ng pambihirang record of nominations para sa 89th Academy Awards of the Oscars. Nakakuha ito ng 14 nominations.

Ang huling Hollywood film na nakakuha ng ganyang karaming nominations ay ang Titanic noong 1997 at ang All About Eve noong 1950.

Bukod sa Best Picture, nakuhang nominations ng La La Land ay best actor (Ryan Gosling), best actress (Emma Stone), best original screenplay and best director (Damien Chazelle).

Ito ang ikatlong beses na ma-nominate si Gosling for best actor sa Oscars. Una siyang na-nominate noong 2006 for Half Nelson at noong 2007 for Lars and the Real Girl.

Samantalang second Oscar nomination naman ito ni Stone. Na-nominate siya for best supporting actress noong 2015 for Birdman.

vuukle comment

BENJAMIN MUDIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with