^

Pang Movies

Angel mas inuuna ang pag-akyat kesa paglipad

ARANGKADA - Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang nagtatanong, bakit daw pulos mga bundok yata ang inaakyat ni Angel Locsin ngayon? Wala raw bang bagong project ang Kapamilya actress?

Paano ‘yung papel na Darna na palaging sinasabing kay Angel mapupunta?

Tila yata mauuwi na lang sa drawing pangakong ito kay Angel, bakit naman ganoon?

Joyce nilakasan ang sampal kay Kristoffer

Bihira lang marahil ang nakapuna, pero kabang-kaba pala si Joyce Ching noong kunan ang eksenang sinampal niya si Kristoffer Martin sa seryeng Hahamakin ang Lahat.

Hindi pa raw kasi nararanasan ni Joyce ang manampal. Mas nahirapan pa raw siyang gawin ito dahil si Kristoffer ang kanyang sasampalin.

Hindi naman daw kasi puwedeng hinaan na lang ang sampal dahil hindi mo ito mapipigilan kapag ikaw ay nasa mismong eksena na.

Ganoon nga ang nangyari sa nasabing eksena dahil hindi raw napigilan ni Joyce ang magalit dahil ina­akusahan siya ng masama ni Eula Valdez na gumaganap namang ina niya sa serye.

Nauunawaan naman daw ni Kristoffer na medyo malakas ang pagkakasampal sa kanya ni Joyce kaya nagkatawanan na lang sila pagkatapos ng nasabing eksena.

Allona hindi inakalang makakabalik sa showbiz

Nabanggit nang nagbabalik-showbiz na si Allona Amor na inakala niyang hindi na siya makakabalik sa pag-aartista.

Dalawa na raw kasi ang anak niya na sina Josh at Ali at fourteen years na rin siyang wala sa harap ng camera.

Hindi raw talaga niya inakala na papayagan siya ng asawa nang magpaalam siya rito.

Noong araw, isa si Allona Amor sa mga itinuturing na Goddess of Beauty.

Kaliwa’t kanan ang raket niya noon mapa-TV man o pelikula.

Naalala naming noong makasama naming si Alonna sa Davao del Sur dahil naimbitahan siyang kumanta roon, nagulat kami dahil halos hindi na siya nakapanhik pa ng stage dahil dinumog siya agad ng kanyang fans. Ganun kasikat si Allona noon kaya marahil hindi makakalimutan ang yaya ng anak nina Joyce at Kristoffer, ang role ni Allona sa series.

Nais daw ni Allona na mabigyan din siya ng mabibigat na papel sa drama. Hindi nga ba’t muntik na siyang manalo noon sa FAMAS dahil sa pagganap niya sa pelikulang Virgin People 3 na idinirek ni Celso Ad Castillo?

vuukle comment

ANGEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with