^

Pang Movies

Pokwang walang planong sukuan ang pagbubuntis

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Type pa rin ni Pokwang na magkaanak sa kanyang American fiancé na si Lee O’Brian. Sayang nga a t nagbuntis siya with Lee’s baby during the early part their relationship, pero nalaglag nga ito.

Magtatapos na sa college ang kanyang panganay at nag-iisang anak na babae, na ang tatay ay isang Japanese. Approved daw ang dalaga na mag-asawa at magka-anak siyang muli.

If plans do not miscarry, Pokwang said baka next year sila magpakasal ni Lee.

In the meantime, Pokwang keeps herself busy with two projects. Napapanood siya gabi-gabi sa Till I Met You, kasama sina James Reid, Nadine Lustre, JC Santos, Carmina Villaroel, Zoren Legazpi at Angel Aquino.

Tuwing Sunday naman pagkatapos ng ASAP Live, featured siya sa comedy-gag series na Banana Sundae with Angelica Panganiban, Jayson Gainza, Ryan Bang, Jobert Austria, and JC de Vera.

Erich at Daniel gusto munang magpayaman

Halata kung gaano ka-in love sa isa’t isa sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga sa presscon para sa pagtatapos ng kanilang series together, ang Be My Lady na magtatapos na this week.

Bagama’t maluwag para sa dalawa ang inuupuan nila, talagang nagsisiksikan sila to the max.

Kapit na kapit si Erich sa kanang kamay ni Daniel. Panay naman ang pisil ni Daniel sa kamay ng dalaga, na all throughout the presscon ay hawak-hawak niya.

Wala pang idea ang dalawa sa susunod nilang assignment. Kung pagtatambalin silang muli. O, they will have other co-stars.  Na okay lang naman daw sa kanilang dalawa.

Tulad nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo na nagsimula ang romansa nang gawin nila ang Two Wives, sa nabanggit din na series unang nagkalapit ang loob nila.

But unlike Kaye and Paul Jake, na ikakasal na this December in Cebu City, in two or three years pa raw balak magpakasal nina Erich at Daniel.

“Balak naming magtrabaho na muna nang magtrabaho. Para makaipon kami,” ani Erich.

Kasama na rin pala ni Daniel ang kanilang Brazilian mom sa bahay, na isa sa mga premyong natanggap nito bilang big winner sa isang season ng Pinoy Big Brother (PBB).

Daniel’s Dad, though, still works in an electric company in Brazil.

Bayani may hang-over pa sa P1-M na hindi napanalunan

Nasa Japan pala sa kasalukuyan si Bayani Agbayani. Hindi niya binanggit nang makausap namin kung ano ang ginagawa niya roon at kung kasama niya ang asawa niyang si Lenlen.

Aminado si Bayani na overwhelmed pa rin siya na nagmuntik-muntikanan na siyang manalo ng P1-M sa isa sa katatapos na episode ng game program na Minute To Win It, Last Man Standing.

But as Bayani said, ‘di pa raw siguro ukol sa kanya ang maging milyonaryo, via a win lang sa isang game program. Dapat daw siguro, every centavos ay dapat niya talagang paghirapan.

Pres. Digong legal daw ang ginawa

Saludo ako, Salve A., kay President Digong Duterte, dahil hindi na niya pinatagal pa nang amining alam niya ang ginawang paglibing ng mga kaanak kay former President Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Ba­yani noong Friday.

Ang instruction lang daw niya sa mga kinauukulan ay gawin ang libing nang maayos at tahimik.

Legal na rin naman, kung sabagay, ang ginawang paglibing sa dating presidente, since it has the approval of the Supreme Court.

On whether may mga kasalanang nagawa si Presidente Marcos in his lifetime, hayaan na lang natin na ang Diyos at langit ang humatol.

vuukle comment

LEE O’BRIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with