^

Pang Movies

Male personality na produkto ng reality show, yumaman na sa pagbebenta ng katawan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na raw bumalik sa kanyang trabaho bilang sales representative ng mga mamahaling condo ang isang male contestant na nakilala sa isang reality show dahil mas malaki ang kinikita niya nang matapos ang show.

Dati-rati nga raw ay nagtatrabaho siya sa isang kumpanya ng higit sa walong oras mula Lunes hanggang Biyernes. Minsan pa ay nag-o-overtime siya para mas malaki ang kitain niya.

Noong maging contestant siya sa isang reality show, ang goal niya ay pasukin ang showbiz dahil mas malaki nga raw ang kikitain niya roon basta makilala lang niya ang tamang tao. Hindi naman siya nagkamali dahil after ng show ay dagsa ang mga gusto siyang makilala—marami sa kanila ay mga bading!

Sa tulong din ng social media ay naging flavor of the season ang male contestant dahil maganda ang PR nito at machung-macho pa. Panay din ang post nito ng mga sexy photo niya sa Instagram.

Dahil ayaw na niyang bumalik sa dating routine ng buhay niya noon, nag­hanap siya ng kakaibang excitement sa mundo ng showbiz. ‘Yun nga lang, pinagamit niya ang kanyang katawan sa kung sinu-sinong bading na tutulong sa kabuhayan niya.

Paminsan-minsan ay may mga raket na indie film ang male contestant pero mas madalas ay nasa piling siya ng isang madatung na bading. Dahil mabait at malam­bing ang male contestant, nirerekomenda siya sa iba’t ibang mga madadatung na bading. 

Walang problema iyon sa male contestant dahil tumataas ang presyo niya kapag pinapasa siya sa mas mayaman at mas kilalang bading sa industriya. Nakapagpatayo na ng magandang bahay sa probinsiya ang male contestant at maganda ang sasakyan na nabili nito dahil lang sa walang puknat na bookings.

Julie Anne at Benjamin, todo landian

Nagpakilig din sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves sa social media.

Nag-post si Julie ng isang video habang nag­lalaro siya ng Mario sa isang “classic console”.

Biglang nag-comment si Benjamin na gusto niya rin ng console. Sey ni Benj, “I want one, b.” Sagot agad ni Julie, “Pwedeng pang-two players.”

Agad naman nag-reply si Benj: “Ayoko, gusto ko ng sakin. Hahahahha. #nosharing” Sabi naman ni Julie, “Ahh, ayaw ng may kahati. Ganon? Hahaha.”

Hirit ni Benj: “Bakit Ikaw gusto mo may kahati? Teka. Ano na ba pinag-uusapan natin? Hahaha.”

Sumagot ulit si Julie: “Ayoko. Ang sa’yo ay sa’yo, ang akin ay akin. Hahahaha.”

At ang naging pampakilig na comment ni Benj ay: “Ayoko akin ka lang.”

Si Benj at Julie ay magkakatambal sa upcoming GMA-7 teleserye na Pinulot Ka Lang Sa Lupa. 

Singer na si Toni Braxton unti-unting ginagapos ng sakit na lupus

Dahil sa kanyang kalusugan kaya na-discontinue ng singer na si Toni Braxton ang ilang concert dates ng kanyang tour.

Ayon sa kanyang Twitter account: “Toni Braxton was hospitalized this afternoon in Cleveland due to complications with her Lupus. Unfortunately her show tonight in Cleveland will need to be postponed.”

Hindi isang simpleng sakit ang Lupus. Nakakapanghina ito ng katawan kaya tigil muna si Braxton sa pag-perform sa concert.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naospital si Braxton. Na-confine na rin ito sa Los Angeles dahil sa Lupus. Pero kahit may sakit, positive si Braxton na babalik ang sigla ng katawan niya.

“I am so excited about going back on the road and seeing all of my wonderful fans and friends. Everyone’s life is complicated and this is just a condition that I live with.”

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE AT BENJAMIN ALVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with