^

Pang Movies

Lotlot tinutulungan ng mga anak sa paghahanda sa kasal!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Lotlot tinutulungan ng mga anak sa paghahanda sa kasal!

Handa nang magpakasal ulit si Lotlot de Leon.

Matagal na ngang na-annul ang kasal ni Balot (Lotlot) sa kanyang mister na si Ramon Christopher at kasalukuyang may boyfriend siya.

Ilang beses na raw nilang napag-usapan ang magpakasal pero ang iniisip ni Balot noon ay ang mga anak niya. Kaya ilang beses nilang pinagliban ang mga plano nilang ito.

Pero ngayon ay handa na raw siya dahil okey na sa mga anak nila ni Monching na mag-asawa siya ulit.

Ayon pa kay Balot: “Maikli lang po ang buhay, stop the hate, ika nga. Dapat lahat tayo nagmamahalan. ‘Pag may pagkakataon po kayong magmahal, magmahal lang po kayo nang magmahal. Wala pong masama doon.”

Inamin ng panganay ni Balot na si Janine Gutierrez na noong una ay nagselos silang magkakapatid sa boyfriend ng kanyang ina dahil nasanay na raw sila na sila lang ang inaasikaso.

“Gusto namin si­guraduhin na okay talaga ‘tong tao na ito para sa kanya.

“Pero nung nakilala namin siya, talagang okay pala siya. Mabait siya, at maalaga. ‘Tsaka masaya ako kasi sigurado na palaging may nagbabantay kay Mama ngayon.”

Nasa planning stage pa lang daw ang kasal ni Balot at promise ng mga anak nito na tutulong sila para maging maganda ang second wedding ng kanilang ina.

Kasalukuyang nasa GMA primetime te­leserye ang mag-inang Lotlot at Janine. Nasa Juan Happy Love Story si Balot at nasa Once Again naman si Janine.

Sef tinantanan na ang pagiging bading

Para maiba naman ay hindi muna gaganap na bading ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona dahil sa bagong sexy comedy series ng GMA 7 na A1 Ko Sa ‘Yo gaganap siya bilang isang chickboy/playboy na photographer.

Nasanay na kasi ang marami na napapanood si Sef sa mga gay roles, lalo na sa gag show na Bubble Gang.

Kinatutuwa pa ni Sef na kasama nila sa show ay ang kakapanalo lang na Cannes best actress na si Jaclyn Jose.

Dalawang beses nang nakatrabaho ni Sef si Jaclyn at napaka-generous daw nitong tao pagdating sa pag-share nang nalalaman nito sa pag-arte.

“Noong una, sobrang intimidated ako kay Tita Jane kasi alam kong napakagaling niyang artista. Pero noong makaeksena ko na siya, napakabait at masayahin siya sa set.

“Kaya masayang-masaya kami sa pagkapanalo niya at tamang-tama at siya ang pinakabida dito sa A1 Ko Sa ‘Yo,” pagtatapos pa ni Sef Cadayona na mauupo rin bilang judge sa improvisational comedy game show na Laff, Camera, Action.

David Foster tumangging magbigay-suporta sa ex-wife na may sakit

Tumanggi na magbigay ng spousal support ang award-winning composer and songwriter na si David Foster sa kanyang estranged wife na si Yolanda Hadid.

Si Yolanda Hadid ay ina ng supermodels na sina Gigi at Bela Hadid.

Sa mga sinumite na documents ni Foster, hindi pa raw puwedeng humiling ng spousal support si Hadid dahil kaka-file lang nila ng divorce pagkatapos ng apat na taong pagsasama.

Noong December 2015 nila in-announce na maghihiwalay sila.

Kumalat ang balitang may kinalaman ang sakit ni Hadid na Lyme disease kung bakit tuluyang nasira na ang pagsasama nilang mag-asawa.

Ayon kay Hadid: “You can’t underestimate how much it takes for a man to take care of somebody that’s sick all of the time. David didn’t change; I’m the one that changed. And I guess this is the outcome of that.”

Pinagtanggol naman ni Foster ang kanyang sarili sa mga kumalat na baseless information.

“I have always had and continue to have the utmost respect and love for Yolanda, which is why it is so frustrating to see headlines questioning her chronic debilitating illness.

“I have been by Yolanda’s side over the past four years to the best of my ability as she battled with the complexities of her Lyme diagnosis.

“I am incredibly proud of Yolanda’s determination and mission to find a cure, and how brave and open she has been by sharing her story in the hopes of changing the future for others.”

vuukle comment

AGRICULTURE

AGRIFOOD FAIR

ARTISANAL

BGC

FOOD

FOOD FAIR

HEALTHY

ORGANIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with