^

Pang Movies

Hindi pa ba? Dennis gusto nang angkinin si Jennylyn

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Pinansin ni AiAi delas Alas si Dennis Trillo na mukha raw lalong gumuguwapo nang mag-guest ito sa kanilang CelebriTV last Saturday. Iba raw siguro talaga ‘pag in love. Nandoon si Dennis para i-promote ang bago niyang indie movie na Lakbay2Love, katambal si Solenn Heussaff.

Kinumusta pa ni AiAi si Jennylyn Mercado na sabi’y nakabalikan na niya. Pero as usual, walang pag-amin si Dennis. Basta masaya raw sila ni Jennylyn lalo na kapag magkasama sila sa mga event tulad ng triathlon. Madalas daw si Jennylyn pa ang nagri-remind sa kanya kapag may pupuntahan silang event.

Hindi sumuko si AiAi at tinanong ang aktor kung ano raw ang song na pwede niyang i-dedicate kay Jennylyn at kantahin daw nito kahit ilang lines lang. Tuwang-tuwa ang audience nang isagot ni Dennis ang gusto niyang song para kay Jennylyn na Ako’y Iyo, Ikaw Ay Akin, at hindi lamang ilang lines ang kinanta niya kundi tinapos pa niya ang song.

Wala ring reklamo si Dennis na kumanta at su­ma­yaw sa request ni AiAi, nag-enjoy daw siya na magpatawa naman ngayon kahit TV guesting lamang.

Itinuloy ni Dennis ang pagpapatawa nang mag-guest naman siya sa Sunday PinaSaya kahapon, at naki­pagkulitan sa mga komedyanteng sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Jerald Napoles. Sumali rin sa kulitan ng apat si Solenn at pinag-usapan nila ang tungkol sa bike, na siyang means of transportation ng lovers na sina Dennis at Solenn sa Lakbay 2Love. Showing na ito sa Wednesday, February 3.

Solenn kikitain ang ‘asawa’ sa France?!

Aalis naman si Solenn Heussaff, after the opening day ng Love is Blind nila ni Derek Ramsay with Kean Cipriano at Kiray Celis sa February 10.  Sa Paris, France na isi-celebrate ni Solenn ang Valen­tine’s Day (magkikita kaya sila roon ng “husband” niyang si Nico Bolzico?) French-Filipino si Solenn kaya tamang-tama na siya ang ipadala ng GMA Pinoy TV sa Handog 2016: Philippine-Paris Ball, isang black tie event kung saan kinikilala ang mga natatanging personalidad sa French-Filipino community.

Pero bago pumunta ng Paris si Solenn, pupunta muna siya ng London sa February 12, Rome sa February 13 at sa February 16, sa Copenhagen.

Enchong tigang sa Valentine

Nag-split na rin daw si Enchong Dee at ang non-showbiz girlfriend niya. Ito ang usap-usapan sa isang pagtitipon ng mga entertainment press. Medyo nagulat sila dahil kailan lang daw ay sinabi ni Enchong na going strong ang relasyon niya sa kanyang girlfriend.  Natanong tuloy na sinamahan na niya ang break-up nina Angel Locsin at Luis Manzano, Bea Alonzo at Zanjoe Marudo at sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz. Pero ang last three set of lovers, hindi pa nagku-confirm kung totoo ang break-up nila. Pare-parehong sagot nila, may pinagdaraanan lamang ang relasyon nila, kahit may mga ka-close sila na nagku-confirm ng balita.

Mahusay na aktres, ikakasal na

May isa namang mahusay na actress na hihintayin lamang matapos ang kanyang contract sa home studio next year at gusto na rin niyang magpakasal.  Wala naman siyang problema sa kanyang boyfriend na very supportive at naiintindihan kung bakit ayaw pa niyang magpakasal, kahit pwedeng-pwede na.  Ready na rin naman ang actress pero gusto niyang wala na siyang iintindihing commitment when she settles down.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

BEA ALONZO

DEREK RAMSAY

JENNYLYN

NBSP

PERO

SOLENN

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with