^

Pang Movies

Maja hindi pa nakaka-move on sa nangyari sa MOA

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa kanyang Instagram account last Sunday ay nagpasalamat si Maja Salvador sa mga artistang naging guests niya sa kanyang katatapos lang na Majasty concert sa Mall of Asia Arena.

Talagang inisa-isa niya ang message sa mga ito at ramdam na ramdam mo ang sinseridad sa kanyang pagpapasalamat.

Sa kanyang unang post ay buong sinseridad niyang sinabi na hindi man niya napuno ang MOA, napuno naman daw ng pagmamahal ang nasabing lugar nang gabing ‘yun.

“The best night of my life...dream ko lang mag-perform noon dream ko lang maging JLo o Beyoncé ng kahit isang araw lang natupad lahat yun.

“Pero ang pinaka-the best ay yung tinanggap ko na never akong magiging si jlo o kaya si beyonce kaya naman masaya ako nung ibinigay ko kung anong kayang ibigay ni MAJA.

“Yes di ko napuno ang MOA. Pero nung isang gabi PUNONG PUNO ng pagmamahal ang MOA.  Bawat labas ko di kayo nagsasawang maghiyawan at magpalakpakan. salamat sa lahat ng nanuod. Salamat sa pagmamahal niyo.

“Salamat Sa Fans sa Friends at sa aking Pamilya. Masaya akong pinagbigyan niyo akong matupad ang pangarap ko,” ang unang post ni Maja.

Sumunod ay pinasalamatan na niya isa-isa with picture ang kanyang mga guests tulad nina JC de Vera, Rayver Cruz, Enchong Dee, Enrique Gil, Piolo Pascual, Paulo Avelino at Kakai Bautista.

Message niya kay JC, “thank you@akosijcdeberat for being part of my special night. Salamat sa pagpayag na ipakita ang abs mo. Hope to work with you soon. Dahil isa ka sa mga napakagaang katrabaho... Salamat ulit.”

Touching naman ang message niya sa kanyang best friend na si Rayver. She wrote, “thank you so much my bro @rayvercruz Sa lahat ng hindi maganda o magagandang nangyayari sa buhay ko nandyan ka palagi para sa akin. Nung isang gabi bago mag-umpisa ang concert isa sa nagpalakas at nag inspire pa sa akin ang pag goodluck mo... nakita ko kung gaano ka talaga ka sincere sakin. Salamat bro. Mahal kita.”

Ang ganda rin ng thank you message niya sa isa pa niyang BFF na si Enchong. Sey niya, “My enchowwng... my ethaaan... my favorite friend... di ko alam kung anong meron sayo at sobrang gustong gusto ko nilalambing ka at bawat lambing ko naman sayo napagbibigyan mo. Salamat sobraaa kahit biruan lang ang pagsuot mo ng boxers tinotoo mo. Thank u kasi kahit sa maliliit na bagay napapasaya mo talaga ako.  salamat ha. Loveyou enchoowng!”

Kay Quen naman, may hashtag siya na magpahinga na raw sila sa Twerk It Like Miley.

“King of the Gil@enriquegil17 salamat sa pagpayag na mag guest ka sa #Majasty.  Kahit na Enrique Gil ka na napagbigyan mo parin ako. marami kang napasaya. at masaya ako na sumuporta rin ang ka-forever mo@lizasoberano Everyday talaga sasabihin ko sa inyong dalawa na i love you both.#PahingaNaTayo­SaPagTwerkItLikeMileyHa#MAJASTY,” ang message ni Maja for Quen.

Pero pinakagusto namin ang message niya for Papa P. Sey niya, “My Piolo Pascual...@piolo_pascual marami man kaming nagkakandarapa sayo pero alam kong special na special ako sayo. dahil pinaparamdam mo yun sa akin. Ang swerte kong malapit ako sayo dahil nahahawa ako sa kabaitan mo. Salamat My Papa P! sa lahat lahat.

Alam mo na yun. The best ka. I love you my papa p!!!#HindiKitaIpagpapalit #IpaglalabanKita#MA­JASTY.”

Very sweet naman ang message ni Maja for Paulo. Post niya, “To my carlos antonio pau pau @pauavelino thank you sobra!!!

Wala atah akong lambing pa sayo na tinanggihan mo. di ko alam kung bakit ang lakas ko rin sayo siguro dahil sa pagkain na mga offer ko sayo nuon sa taping. pero salamat sa lahat. Na appreciate ko lahat ng effort na binigay mo sa concert ko. Lalo na sa spot natin. sa pagpili mo ng mga kakantahin natin. Ang saya lang na na i-share ko sakanila ang rakista side ko. salamat lagi kitang naaasahan. Asahan mong maasahan mo rin ako lagi. Salamaaaat pau pau! #MAJASTY.”

Kapamilya stars, magsasanib-pwersa para sa Kapamilya Krismas 3

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama-sama at magsasanib-pwersa ang mga stars ng hit teleserye ng ABS-CBN na Ang Probinsyano, On the Wings of Love, at Doble Kara sa gaganaping Kapamilya Krismas 3 ngayong Sunday (Nov.22) sa Trinoma Mindanao Open Parking sa ganap na 4 p.m.

Abangan sina Coco Martin, Richard Yap, Maja Salvador, Agot Isidro at iba pang cast ng pambansang teleserye ng pinoy na Ang Probinsyano na maghahandog ng mga sorpresa para sa fans.

Hindi rin naman magpapahuli ang JaDine love­team na sina James Reid at Nadine Lustre sa OTWOL na for sure ay magpapakilig sa mga manonood. Kasama rin nila si Albie Casiño at ang iba pang cast ng serye.

Ang cast naman ng Doble Kara na magpaparamdam din ng Kapaskuhan sa Kapamilya viewers ay pangungunahan nina Julia Montes, Sam Milby, Maxene Magalona, John Lapuz, at Alora Sasam.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSYANO

COM

HREF

HTTPS

INSTAGRAM

NBSP

QUOT

SALAMAT

WWW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with