^

Pang Movies

Baka mapahamak pa Alden ayaw pagoyo sa pulitiko

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Doon sa kanyang statement na wala siyang balak na mag-endorso ng sino mang kandidato, dahil hindi siya naniniwalang dapat paghaluin ang showbiz at pulitika, hinangaan namin si Alden Richards.

Sigurado, may mga nagtangka nang kumausap sa kanya o sa mga taong may kinalaman sa kanyang career para sa isang possible endorsement, pero sinasabi nga niyang ayaw niya.

Kung mayroon man, siguro wala nga siyang interest dahil sinasabi niya “wala pa”.

Target ng mga pulitiko ngayon si Alden, at ganoon din siguro si Maine Mendoza aka Yaya Dub, dahil alam naman natin kung gaano kalakas ang kanilang followers.

Iyon mga tagasunod nila napatunayan na nilang “real and organic”. Hindi gawang tuko lamang. Kung mag-eendorso sila ng kandidato, aba eh tiyak na may susunod at makikinig sa kanila. Isipin ninyong nakakuha sila ng 40 mil­yong tweets, samantalang ang presidente ay nanalo sa mahigit na 13 milyong boto lamang. Kung sinasabing bilyon ang kailangan para sa kampanya ng isang presidente, bakit nga ba hindi aalukin kahit na isandaang milyon sina Alden at Yaya Dub? Pero wala ngang interest si Alden.

Maraming artista na nag-eendorso ng mga kandidato. Hindi naman nila lubusang kilala ang mga ine-endorso nila.

Ginagawa lamang ng karamihan iyon dahil sa “malaking bayad”, at siyempre hindi naman inaamin ng mga pulitikong nagbabayad iyon, kaya kumikita na sila ng malaki, libre pa sila sa pagbabayad ng tax.

Iyon nga lang, kung mali ang kanilang mai-endorso, maghihirap naman ang kanilang mga kababayan.

Kaya tama si Alden eh. Kung ano man ang naabot niya ngayon, utang na loob niya iyan sa masa na sumusuporta sa kanya. Kung makakapag-endorso pa siya ng maling kandidato at manalo, eh di ipinahamak pa niya ang mga taong nagbigay suporta sa kanya.

Dahil sa sinabi ni Alden, alam na natin na kung isang araw makikita natin siyang may ine-endorsong kandidato, ibig sabihin noon napilitan lang siya. Tiyak iyon, maski sina Wally Bayola at Jose Manalo aalukin din ng mga kandidato. At kung noon kinukuha lang sila bilang performers, ngayon tiyak na kukunin na sila dahil sa kanilang endorsement. Ingat lang tayo sa mga kandidatong kumukuha at gu­magamit ng mga artista para sila manalo.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

IYON

JOSE MANALO

KUNG

MAINE MENDOZA

MGA

SILA

WALLY BAYOLA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with