^

Pang Movies

Kesa umarte, aktres mas piniling ibenta ang katawan

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi kami pwedeng magkamali. Bagama’t medyo wala na sa dating porma ang kaseksihan ng aktres, mababakas pa rin naman ang ganda ng kanyang mukha. Kaya nga siguro marami pa rin ang nahuhumaling na lalaki sa kanya.

‘Di pa katagalan ay nakita namin si aktres sa isang ‘di man kamahalang hotel at ‘di rin mumurahin na bagong paligo. At siyempre, ano ba ang ginagawa niya sa mga oras na iyon kundi ang magbigay ng aliw.

Kamakailan ay spotted muli namin ang prem­yadong aktres, nakapulupot na dumaan mismo sa harap namin. Matipuno ang lalaki, may taas na 6’2” at mukhang modelo. Walang takot na rumarampa sila sa isang mall sa kyusi.

Nakapanghihinayang kung tutuusin si aktres, kasi nga’y nagpakita agad siya ng husay sa pag-arte sa una pa lang niyang pelikula. Pero dahil sa mas malakas sa kanya ang tukso at tawag ng laman, mas pinili pa niya ang ibang karir.

Anak nina Jolina at Mark nakakagigil

Marami ang nanggigil sa super cute na si Pele nang ipresenta ng Megasoft Hygienic Products sa media ang panganay nina Jolina Magdangal at Mark Escueta para maging kauna-unahang endorser ng Super Twins Lampin.

“So happy to have the three of them now sa Megasoft at inaamin ko, fan ako ni Jolina, alam niya ‘yun,” pambungad na pahayag ni Ma’am Aileen Go. “Wala kaming naging problema while doing the photoshoot and video shoot nina Jolina, Mark, at Pele. Of course, dahil baby pa si Pele may times na inaabot siya ng antok while nasa set, so we have to adjust. Ang saya lang sa set at wala akong masabi sa cooperation nina Mark at Jolina,” sabi pa ni Ma’am Aileen.

Paboritong leading lady noon ng mga action stars na si Azenith Briones naengganyo na rin sa pulitika

Malakas talaga ang kaway ng daigdig ng pulitika sa mga taga-showbiz. Sino ang mag-aakalang pati si Azenith Briones ay maeengganyong pasukin ang pulitika? Matagal na kasing bakante sa pag-arte at nanatiling maybahay na lang ni Elrey Reyes sa San Pablo City.

Unang pelikula ni Azenith ang Omeng Satanasya katambal ang yumaong Hari ng Komedya na si Dolphy. Isa rin siyang Beauty Queen bago pasukin ang larangan ng pelikula.

Isa si Azenith na may angking ganda bukod sa pagiging sexy, kaya naman kabi-kabila ang offer sa kanya para maging leading lady ng mga action star nguni’t tanging si Lito Lapid lamang ang nagpatibok ng kanyang puso noon. Hindi man sila nagkatuluyan, naging mabuting magkaibigan naman sila ni Lito na nagpadala rin sa kaway ng pulitika.

“Masusi ko namang pinag-isipan ang bagay na ito, nanalangin kung ito ba ang tamang panahon para maglingkod sa bayan. Humingi ako ng sign kay Lord at ibinigay naman niya ang hinihingi ko,” pagtatapat ni Azenith.

Good luck sa kaibigang Azenith, isa sa mga artistang mula noon hanggang ngayon ay tumatanaw at kinikilala ang nakaraan. ‘Di ba Tito Vir Gonzales?                   

vuukle comment

ACIRC

AILEEN GO

ANG

AZENITH

AZENITH BRIONES

BEAUTY QUEEN

ELREY REYES

ISA

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with