^

Pang Movies

Jennylyn walang habas na nakipagsabunutan kay Snooky

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Tuwang-tuwa ang fans ni Jennylyn Mercado, nagpapalakpakan pa sila habang tumututok ang mga mata sa panonood ng teleseryeng My Faithful Husband.  

Bale ba sa bahay ko sila nanonood ng TV, ok naman sa akin, ewan, bakit mas type nila ang TV ko kasi medyo malaki at LCD.  

Alam n’yo na, ‘wag na lang i-detalye ang dahilan. Ang ingay kaya nila.  

Sabagay, ginagawa lang nila (8 lahat) ito kapag nasa nahay ako.  Kaya nagpapa­lakpakan sila. Bumanat na pala si Jennylyn kay Snooky Serna, ang mother-in-law niya at inay ni Dennis Trillo sa serye.  

Sinabunutan kaya ni Jen si Kooky? E, sobrang bad ni Kooky, pero ang ina ay ina, papatay ng tao kapag may nangyaring masama sa anak. Dahil kay Lola Kooky, nawala si Munding na anak ni Jenny at Dennis, na ang real father ay si Mikael Daez. ‘Yun na, galit siyempre si Kooky kay Jen kaya ibinigay ang bata sa real father nito.  

At nang matagpuan si Munding at nalaman na ibinigay ang bata sa ama, sinugod ni Jen ang salbaheng lola at doon na naganap ang sabunutan. Sigawan ang mga bisita ko. Palakpakan. Beh, buti nga!  

Grabe pa rin ang fans, tinutotoo nila ang napapanood sa movie at pelikula.  Kawawang Snooky! Pero hindi sila galit. Tuwang-tuwa lang! Feeling daw nila lalong tumatalim ang kanyang pag-arte. 

Tuwang-tuwa rin ang fans dahil patay na si Cherie Gil, ang magaling na kontrabida sa The Half Sisters. E, kasi inaapi din ang idol nila buhat nang bumait si Ashley (Thea Tolentino). Minumura nila si Quentin (Dino Guevarra) at Sheryl Cruz. Ganoon din ang mag-inang Jaclyn Jose at Lauren Young na pinahihirapan si Marimar.

Kapamilya shows, mapapanood na ng napakalinaw

Malapit nang makita ang mga emosyon at linaw ng mga teleserye at ibang panoorin sa ABS-CBN, except, Pangako Sa’yo at sa kauna-unahang pagkakataon ang nasabing network ang magsisimula via HD (High Definition) at DD (Destiny Digital). Nag start na ang HD sa ASAP 20 last Sunday.

vuukle comment

ANG

CHERIE GIL

DENNIS TRILLO

DESTINY DIGITAL

DINO GUEVARRA

HALF SISTERS

HIGH DEFINITION

JACLYN JOSE

JENNYLYN MERCADO

KAWAWANG SNOOKY

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with