^

Pang Movies

Wala na kayang maging problema?! Kris at Bistek pinalitan nina Richard at Jodi sa MMFF entry

- Vinia Vivar - Pang-masa

Dahil sa pagba-back out ni Kris Aquino sa All You Need is Pag-ibig, ayon sa aming very reliable source ay pinalitan na agad-agad ang lead cast nito.

Ang balitang natanggap namin, sina Richard Yap at Jodi Santamaria na ang papalit kina Kris at QC Mayor Herbert Bautista. Hindi lang namin sure kung kasama pa rin sina Xian Lim at Kim Chiu pero say ng aming source, posibleng retained pa rin ang KimXi dahil wala namang problema sa dalawa.

Matatandaang nag-back out si Kris dahil hindi pumuwede ang cinematographer na ni-request nya dahil sa conflicting schedule. Since project nga ito for Kristek understandable na pati si Bistek ay papalitan na rin.

Ex-Governor Chavit at Pacman, interesado talagang bilhin ang GMA

Naging matipid si Ex-Gov. Chavit Singson sa pagsagot sa mga tanong ng entertainment press kung true ang tsika na nabili na nila GMA-7.

“Hindi. Hindi pa,” sabi ni Gov. Chavit nang ma­kausap namin siya sa Vigan, Ilocos Sur (his home­town) kahapon.

Dahil sa sinabi niyang “hindi pa”, lumalabas na may balak siya talagang mag-invest sa network kaya kinulit siya ng press kung ano talaga ang totoo.

“Uutang pa kami ni Manny (Pacquiao),” he said. Pero plano nila talaga?

“Meron, meron. Pero wala pa, malayo pa dahil umuutang pa lang kami ni Manny Pacquiao,” ma­tipid niyang tugon.

Pero bakit gusto niyang bilhin ang Kapuso network? “Eh negosyo ‘yan, eh. Depende sa grupo namin, may mga factors ding ano ‘yan.”

Pero how true na pirmahan na lang ang kulang sa deal nila? “Hindi, hindi. Mangungutang muna kami ni Manny,” ulit niya.

Kris mas mabusisi kaysa kay Jessica Soho

Nakakaaliw ang pagkakabuking ni Kris Aquino sa trophy ni Luis Manzano na naka-display sa bahay ni Jennylyn Mercado.

Na-feature sa Kris TV ang bahay ni Jen na ipinalabas last Friday at ininterbyu na rin siya ng Queen of All Media. Sa family room ay naka-display ang lahat ng achievements, recognitions and awards ni Jen at talagang inisa-isang tingnan ‘yun ni Kris. Hanggang sa mapansin ng TV host ang tropeo ng Aliw Awards kung saan nakalagay ay Best Emcee (male). Siyempre inurirat ni Kris kung bakit male at inamin naman ni Jen na kay Luis ‘yun na as we all know ay dati niyang boyfriend.

Ayon kay Jen, hindi raw nakarating sa nasabing awards night si Luis na that time ay BF pa niya kaya sa kanya ibinigay ang tropeo. Kaso ay hindi na naibigay ng aktres sa bf ang trophy dahil ang alam namin ay nag-break na sila. Kaya hayun, naiwan sa bahay niya at dinisplay ng kanyang ina. Ha-ha-ha!

Kaya say ni Kris, siya na lang daw ang magbibigay kay Luis ng tropeo dahil kapitbahay niya ito. Mabusisi at maurirat talaga si Kris dahil na-feature na ni Jessica Soho ang bahay ni Jen pero hindi nito napansin ang trophy at ang Queen of All Media ang nakapansin.

Pero sa totoo lang, napakaswerte ng bagong bahay ni Jen sa kanya. Mula nang lumipat siya noong October 8 last year ay nagsunod-sunod na ang kanyang blessings at nag-zoom up talaga nang husto ang kanyang career.

Bukod sa nasabing new house sa Commonwealth kung saan ay neighbors niya sina Kathryn Bernardo, QC Mayor Herbert Bautista and QC Vice Mayor Joy Belmonte, nag-invest din si Jen sa Tagaytay Highlands at sa Rio Monte sa Nuvali, Sta. Rosa.

Hindi lang sa properties nag-i-invest si Jen kungdi pati sa negosyo. Mayroon siyang gym at 3-storey commercial townhouse sa K-3 and T. Gener, ang Fit N Form na isang showroom, salon and spa.

Recently, nagbukas siya ng franchise ng Bean Leaf Tea & Coffee sa Timog, malapit sa GMA. Say nga ni Jen, mabuti na raw ‘yung may iba siyang fallback kung sakaling ayaw na ng showbiz sa kanya. She’s a single mom kaya hindi pwedeng mawalan siya ng income especialy maliit pa ang anak niyang si Alex Jazz.

Later ay nag-join na si Sam Milby sa kwentuhan para pag-usapan ang The PreNup movie nila na showing na sa October 14. First time namang nakapunta ni Sam sa house ni Jen at puring-puri ng aktor ang leading lady sa pagiging isang mabuting ina at mahusay na aktres. Gandang ganda rin siya sa aktres.

Puring-puri rin naman ni Jen ang pagiging maalagang leading man ni Sam at pagiging gentleman nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

HINDI

JEN

JESSICA SOHO

KRIS

KRIS AQUINO

LUIS

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with