^

Pang Movies

Nilayasan pa naman ang trabaho Rocco talo na naman sa Jiu Jitsu!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bigo si Rocco Nacino sa pakikipag-compete sa Jiu Jitsu 2015 Asian Open na ginanap sa Japan. Pero hindi niya maitago ang kasiyahang nadama matapos ang laban dahil sa magandang karanasang natutunan niya sa pakikipaglaban.

“Fought hard today but lost my fight in the featherweight division. Got caught in a bow and arrow choke. Nevertheless I go home with my head up, eager to train again. This has been a wonderful experience,” post ni Rocco sa Instagram account niya.

Gayunpaman, wala mang titulo na naiuwi, hindi naman nasayang ang laban ni Rocco sa Japan dahil kasama niya ang girlfriend na si Lovi Poe na pinayagang lumiban sa taping ng GMA series nilang Beautiful Strangers.

Panalo ang aktor sa piling ng girlfriend sa ilang araw nilang pagsasama sa Land of the Rising Sun, huh!

Tweet ng AlDub Nation, pang-Guinness World Records?!

Tumataginting na 6.35-M tweets ang hash tag na #ALDUBTheAbduction ng KalyeSerye episode ng Eat Bulaga last Saturday. Na-break na nga nito ang record sa hashtag na ALDUBForACause last week, aba, nakapagtala pa ang AlDub Nation ng worlwide record, huh! Pang-Guinness World Records talaga dating!

Ayon nga sa twitter.com/thefilipinospectator na inalisa ang tsunami tweets na ginawa ng AlDub Nation, 3,207,358 million tweets na gumamit ng hash tag. Marunong daw kasi ang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa tamang pagtu-tweet! Sixty percent ng nagtu-tweet ay babae at ang the rest ay lalaki ang karamihan!

Ayon pa sa The Filipino Spectator, show of love ang ipinamalas ng AlDub nation sa kanilang mga idolo. Sila na raw ngayon ang, “most powerful forces in local showbiz and social media.” No wonder, kahit ‘yung mga most-followed celebs sa Twitter ay never na-achieve ang worldwide record sa tweets ng AlDub Nation, huh!

Ang record dati ay hawak ng hashtag na #LoveWins. Subalit ngayon, ang ALDUBTheAbduction na!

Maine hindi pa sigurado kung join sa pelikula nina Bossing at AiAi

Panay ang kulit kay Direk Joey Reyes ng AlDub fans kung makakasama si Maine Mendoza festival movie nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na ang title na ay My Pabebe Love. As of last week, si Alden pa lang ang kumpirmadong kasama sa cast.

Pramis naman ng director, silang mga fans ng loveteam ang unang-unang makakaalam kung confirmed na si Maine sa movie. ‘Pag natuloy, masaya ang Pasko ng AlDub Nation!

Bomba star na si Maria Ozawa at Cesar, sumasabak na sa shooting!

Nagsu-shoot na pala ang festival movie na Nilalang. Ito ang movie na hindi tinanggap ni Robin Padilla dahil sa buntis ng triplets that time ang asawang si Mariel Rodriguez na alam naman ng lahat na nakunan.

Si Cesar Montano ang ipinalit kay Robin pero nanatiling ang Japanese porn star na si Maria Ozawa ang lead actress matapos magtaray sa pag-beg off ni Binoe.

Eh, mukhang may nakuha nang investor ang nasabing movie. Lumayas din kasi ang unang investors na si Robin ang gustong maging bida. At least, happy ang production staff ng pelikula na nadismaya rin sa balitang ipu-pull out na ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALDUB

ANG

ASIAN OPEN

AYON

BEAUTIFUL STRANGERS

DIREK JOEY REYES

EAT BULAGA

FILIPINO SPECTATOR

MAINE MENDOZA

MARIA OZAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with