^

Pang Movies

Halos maubos ang talent fee sa kakabayad ng mga nasisirang gamit sa taping female celebrity may sumpa ang mga kamay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Halos walang matira sa talent fee ng female celebrity na ito dahil sa mga kaltas mula sa mga gamit na nasira niya habang nagte-taping sila sa isang location.

Kung ano raw kasi ang mahawakan nito ay nasisira niya kaagad.

Kaya tuwing may hahawakan ito, pinagsasabihan ng production staff ang handler nito na bantayan dahil baka makabasag o makasira na naman ito ng kagamitan.

“May sumpa yata ang mga kamay ng babaeng ‘yan kasi lahat ng hawakan niya, kung hindi mabasag, nasisira,” kuwento ng source namin.

“Tulad na lang noong may eksena sa kusina. Sisindihan lang niya ang stove kasi kiyemeng may lulutuin siya sa eksena. Biruin mo ba namang ayaw nang sumindi ng stove. Mali kasi ang pag-ikot niya kaya hayun may naputol ‘yung igniter. Buti at hindi sumabog ang stove, ‘di ba?

“Noong sabihin namin sa may-ari, siyempre nagalit dahil libu-libo pala ang halaga noong stove. Buti na lang mapapalitan ‘ung naputol pero ang mahal ng halaga. Kaya tanggal ‘yun sa TF ni female celebrity.”

Isang insidente naman ay noong buksan daw nito ang refrigerator. Bigla raw naglaglagan ang mga laman nito at nabasag lahat sa sahig.

“Ewan ko naman kung ano ang kamalasan ng babaeng ‘yan. Simpleng eksena, buksan lang ang ref at may kukunin siya sa loob. Aba, noong buksan niya, ewan ko kung ano ang ginalaw niya sa loob at biglang nagbagsakan lahat sa sahig ang laman ng ref!

“Hay jusko, grabe at mga imported pa naman ang mga nabasag na mga pagkain. Siyempre, naimbiyerna na naman ang may-ari, binayaran namin ang laman ng ref na nabasag. Inabot kami ng higit na limang libo!

“Hayun bawas ulit sa TF ni female celebrity na may kung anong kamalasan ang mga kamay!” natatawang kuwento pa ng source namin.

April Boy babalik sa pagkanta kahit bulag na

Nagbabalik sa recording ang Jukebox King ng ‘90s na si April Boy Regino.

Pumirma siya kamakailan ng recording contract with GMA Records. More than 12 years na pala ang huling ginawang album ni April Boy kaya masaya itong bumalik sa recording.

Pero sa pagkakataong ito ay hindi na mga novelty love songs ang laman ng kanyang bagong album kundi mga inspirational Christian songs na.

Isang renewed Christian na nga si April Boy at ang mga aawitin niya ay para sa mga taong maraming pinagdaanan sa buhay tulad nang nangyari sa kanya.

Noong 2009 ay na-diagnose na may prostate cancer ang singer. Naging isang cancer survivor siya. Sunod ay nagkaroon siya ng congenital heart failure. Muli ay nakaligtas siya.

Ngayon ay bulag na ang kaliwang mata niya dahil sa sakit na diabetic reti­nopathy.

Inamin ni April Boy na halos mawalan na siya ng pag-asa dahil sa sunud-sunod na pagsubok na duma­ting sa kanyang buhay.

“Nagtatampo ako sa Diyos dahil hindi ko maintindihan kung bakit binigyan ako ng ganitong karamdaman.

“Noong mag-aral na ako ng Bible, parang pinapalo ka pala ng Diyos.

“Ngayon at nabigyan tayo ng pangalawang pagkakataon ng Diyos, ito na ang masasabi kong pinakamasaya na yugto ng buhay ko,” ngiti pa niya.

Kaya laking pasasalamat nito na pinapirma siya ng recording contract ng GMA Records.

“Ang galing. May edad na ako, may diperensya pa ako, kinukuha pa ako ng GMA Records.

“Salamat sa GMA Records dahil kahit bulag ako, binigyan pa rin nila ako ng pagkakataon,” masayang balita pa niya.

Hollywood actress na si Ariel Winter excited ipakita ang boobs na pinatapyasan

Simula nang biglang lumaki ang mga boobs ng 17-year old Hollywood actress at main cast ng US comedy series na Modern Family na si Ariel Winter, naisip na niyang magbawas dahil pagod na raw siyang mabasa sa social media ang pag-describe sa malalaking suso niya.

“Every article that has to do with me on a red carpet always had to do with ‘Ariel Winter’s Crazy Cleavage!’ Or ‘Ariel Winter Shows Huge Boobs At An Event!’”

“That’s all people would recognize me by, not, ‘Oh, she does great work on Modern Family.’”

Dumaan sa isang breast reduction si Winter last June 4 at mula sa breast size na 32F ay naging 34D na lang ito ngayon.

“The feeling of not having so much there was such a relief! Once the surgery was completed, I can’t even explain the feeling.

“A week later, I was buying clothes and crying as I put them on, I was so happy. You just feel so relieved and excited. You feel like a new person. You feel like, ‘This is how I was supposed to be.’”

Nawala nga ang back problems ni Winter noong mabawasan na ang malalaking boobs niya. Ngayon lang daw siya nakaramdam ng ginhawa simula noong lumaki ang mga dibdib niya sa edad na 12.

Ang magiging first public appearance ni Winter para ipakita ang reduced breast size niya ay sa Emmy Awards in September.

“I’m just excited to try on all the dresses! Now I can wear all styles of dresses and all styles of things!

“I don’t always have to pick the tightest, most form-fitting dress I can find. I can pick something else and still feel good about myself. I couldn’t do that before.

“I’m excited to finally actually feel confident and not just appear confident.”

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

APRIL BOY

ARIEL WINTER

DIYOS

KAYA

MGA

NIYA

NOONG

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with