^

Pang Movies

Sandy Andolong successful ang kidney transplant, anak nila ni Boyet nagpapagaling na rin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Balik-GMA Network na sina Christopher de Leon at Amy Austria, na for a while ay ilang teleserye rin ang ginawa muna sa ABS-CBN. Huling nagkasama sina Boyet at Amy sa teleserye nilang Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu. Nang makausap namin ang dalawa sa birthday/thanksgiving party ni Tirso Cruz III, hindi pa raw nila alam kung ano ang title ng soap nila dahil ang manager nilang si Manay Lolit Solis ang nakipag-usap para sa kanila sa GMA. Ang alam pa lang daw nila, makakasama nila sa soap sina Lovi Poe at Heart Evangelista. Hindi pa nila alam kung kailan sila magsisimulang mag-taping.

Mayroon din ipinagpasalamat si Boyet sa mga kaibigan at relatives na nagdasal para sa wife niya, ang actress na si Sandy Andolong dahil successful ang kidney transplant nito two weeks ago. Nakalabas na sa hospital si Sandy last Holy Monday. At ang second son niyang si Miguel ay nagpapagaling na rin after his successful operation sa U.S. last month.

Mr. & Mrs. Dantes may commercial na magkasama

Last year, sa The Farm of San Benito in Lipa, Batangas nagpalipas ng Holy Week sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Wala pa kaming alam ngayong Mr. & Mrs. Dantes na sila kung saan sila magpapalipas ng Holy Week. Actually, busy ang mag-asawa sa kani-kanilang work. Pero last weekend, dalawang araw sila nagkaroon ng TV commercial shoot na sabi’y isang kind of food endorsement, their first na nagkasama sila sa isang TV commercial. 

Pero next month, sa May pa ang launch nila pagkabalik ni Marian from her shows sa GMA Pinoy TV. Pagkatapos ng shoot, binigyan ng surprise birthday party ni Ding­dong ang youngest sister niya, si Vicki, who turns 18. But knowing Dingdong, tiyak na may sorpresa na naman siyang Holy Week vacation sa asawa.

Kung nagti-taping today si Dingdong ng faith-serye niyang Pari Koy, mapapanood naman ngayong hapon, sa Lenten Special si Marian sa episode nilang Aruga Ng Puso kung saan gaganap siyang isang yaya kay Judy (Bianca Umali), isang dalagang may cerebral palsy. Ayon kay Marian, ang hirap palang mag-alaga ng ganoong babaeng may sakit dahil hindi na rin niya maalagaan ang may sakit din niyang ina. Sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, kasama rin nila sa cast sina Irma Adlawan at Ruby Rodriguez.

 

vuukle comment

AMY AUSTRIA

ANG

ARUGA NG PUSO

BIANCA UMALI

BOYET

COCO MARTIN

DINGDONG DANTES

FARM OF SAN BENITO

HOLY WEEK

MRS. DANTES

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with