^

Pang Movies

Maraming kongresista ginawang palengke ang kongreso!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

House of Chaos ang tawag ng isang news anchor sa imbestigasyon kahapon ng kamara sa Mamasapano incident.

Agree ako sa sinabi ng news anchor dahil ang gulo-gulo ng imbestigasyon.

Pati ang mga tao na pinanood sa TV ang mga kaganapan, nairita sa kanilang mga eksena na nasaksihan nila.

Ikinumpara nila sa palengke ang sagutan ng mga kongresista pero kinontra ito ng mga mahadera. Mas maingay raw sa kongreso kesa sa palengke at agree ang marami.

Grace Poe dapat tularan

Pinupuri si Senator Grace Poe dahil mahusay ang pag-handle niya sa senate inquiry tungkol sa Mamasapano incident.

Matindi na grace under pressure ang ipinakita ni Mama Grace kaya pati ang  half-sister niya  na si Lovi Poe, proud na proud sa kanyang ipinakita na performance sa senado.

Dapat mag-seminar kay Mama Grace ang mga hysterical na kongresista na nakakatakot panoorin dahil parang any moment, aatakihin sila sa puso habang nagtatanong sa mga opisyal ng PNP at AFP.

AiAi may sorpresa sa Ai Heart Papa

Ngayong gabi na ang Ai Heart Papa, ang  pre-Valentine concert ni AiAi Delas Alas sa The Theater ng Solaire Resort and Casino.

As of presstime, sold out na ang tickets para sa concert ni AiAi na hindi na bago ang pagiging crowd drawer.

Mga special guest ni AiAi sa concert sina JC De Vera at Aljur Abrenica na may common denominator. Parehong mga ex-contract star ng GMA 7 ang dalawa. Talent na si JC ng ABS- CBN at neither here nor there ang career ni Aljur mula nang magbabu siya sa Kapuso Network.

May special participation sa Ai Heart Papa si Sancho Vito, ang panganay na anak ni AiAi na ipapakita ang talent niya sa drum.

May another special guest si AiAi pero hindi pa puwedeng i-reveal. Malalaman na lang mamaya ng mga manonood ang identity ng surprise guest ni AiAi na very suppor­tive rin sa kanya. May mga tsismis na malaki ang possibility na magkasama sa isang TV show si AiAi at ang kanyang mystery guest.

Heart at Chiz naniguro sa imbitasyon

Very safe ang wedding invitation nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.

Dahil hindi sigurado na dadalo ang mga magulang ni Heart, “Together with our families,” ang nakalagay sa wedding invitation na natanggap na ng invited guests.

Pahulaan pa kung aapir sa Balesin Island sa Linggo ang nanay at tatay ni Heart para saksihan ang pagpapakasal ng kanilang anak kay Papa Chiz.

By plane ang pagpunta sa Balesin Island at kung dadalo ang mga magulang ni Heart, malalaman agad nila ni Papa Chiz dahil sa passenger manifesto ng mga eroplano na lalapag sa isla.

Concert producer hindi na makakaulit

Hindi na makakaulit ang  concert producer sa mga artista na kinuha niya para sa isang show.

Nawindang at natauhan ang mga performer dahil umiral ang kamalasaduhan ng concert producer na sirang-sira na ang kredibilidad at nakakatakot pagkatiwalaan sa datung.

Sa pagkakaalam ko, minsan nang dinakip ng mga pulis ang concert producer dahil sa mga utang na hindi niya binayaran. Lumabas pa nga noon sa isang diyaryo ang kanyang picture na nakaposas ang mga kamay niya habang papasok sa loob ng isang police station.

Nakakaawa ang mga biktima ng concert producer na soft spoken at kagalang-galang pero hindi pala matino na kausap.

vuukle comment

AI HEART PAPA

AIAI

ALJUR ABRENICA

BALESIN ISLAND

CONCERT

HEART

MAMA GRACE

PAPA CHIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with