^

Pang Movies

Panahon na raw para padamitan ang mga kandidata sa Pinoy designers mga ginamit na gown ni MJ Lastimosa sa preliminary round ng Miss U inookray!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Inookray ang mga gown ni Mary Jean Lastimosa sa preliminary competition ng Miss Universe kaya may panawagan  kay Madam Stella Marquez de Araneta ang mga beauty pageant fan.

Ang sey ng fans, panahon na para sa mga Filipino designer ang gumawa ng mga gown na ginagamit ng mga Philippine delegate sa mga international beauty contest.

Pati ang respected fashion designer na si Cary Santiago, nagsalita na rin dahil hindi niya ma-take ang mga damit na isinuot ni Mary Jean sa Miss Universe.

Hindi matatawaran ang husay ni Santiago bilang designer at kung siya ang nag-provide ng mga damit para kay Mary Jean, tiyak na lalong mapapansin sa Miss Universe ang Philippine bet.

Matagal nang isyu ang mga chaka gown na ipinagagamit sa mga kandidata natin sa mga international beauty contest pero dedma ang organizer ng Bb. Pilipinas Charities Inc. Ayaw nila na magpaapekto o talagang bilib lang si Mrs. Araneta sa kanyang mga kababayan niya sa Colombia kesa sa Filipino designers.

Exempted sa isyu si Megan Young, ang Miss World 2013 na nagbigay ng karangalan sa bansa natin.

Magaganda ang mga gown na ginamit ni Megan nang rumampa siya sa Miss World noong nakaraang taon.

Maski sa mga activities niya bilang Miss World, bongga ang mga damit ni Megan dahil inalagaan siya nang husto ng mga Pinoy designer.

Ang karangalan ni Megan ay karangalan din ng mga Pinoy designer na hinangaan dahil sa magagandang damit na ipinasuot sa kanya.

BB takot na takot pa rin sa kapatid na si Royette

Maskulado ang boyfriend na pinapangarap ni BB Gandanghari.

Sa true lang, may napupusuan na yata si BB pero afraid siya na sabihin ang name ng mystery mhin dahil baka maging bayolente ang reaksyon ng kanyang mga kapatid na macho.

Maingat na maingat si BB sa pagsasalita kapag ang kanyang personal life ang inuusisa ng mga reporter. Isinasaalang-alang pa rin ni BB ang mga sasabihin at mararamdaman ng kanyang mga kapatid.

Tanggap na nina Robin at Rommel Padilla ang buong pagkatao ni BB.

Isa na lang yata ang hindi pa accepted ang pagiging babae ni BB, si Royette Padilla, ang pinaka-brusko sa Padilla brothers.

Nagsalita si Robin na kung sakaling may mag­hahatid kay BB sa altar, ito ay si Royette dahil ito ang panganay sa kanilang lahat. No reaction si BB nang banggitin ni Robin ang name ni Royette. Afraid?

Dinner with Prince Harry, dream come true kay Manny

Kinaiinggitan si Congressman Manny Pacquiao  dahil nakipag-dinner siya kay Prince Harry.

Ano kaya ang masasabi ni Miss Floyd Mayweather, Jr. na never pa yata na nakakatanggap ng imbitasyon na maka-join sa isang dinner ang royal family?

Gumawa uli ng kasaysayan si Papa Manny dahil sa pagtanggap niya sa imbitasyon ni Prince Harry na mag-dinner sila.

Itsurang may jetlag dahil nanggaling pa sila ni Jinkee mula sa US, masigla na nakipagtsikahan portion si Papa Manny sa anak nina Prince Charles at Princess Diana.

Dream come true para kay Papa Manny ang naganap na dinner dahil fan siya ng royal family kaya nga Queenie at Princess ang mga palayaw ng kanyang mga anak na babae ‘no!

vuukle comment

DAHIL

LEFT

MARY JEAN

MISS UNIVERSE

MISS WORLD

PAPA MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with