^

Pang Movies

Hindi marunong sumunod sa call time sikat na performer binitin ang sosyal na Christmas party

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naantala ang isang sosyal na Christmas party ng isang malaking kumpanya dahil sa pagiging cause of delay ng isang sikat na performer. Halos dalawang oras ang late ng performer kaya naman pinakiusan ng event organizer ang host ng show upang i-stretch ang kanyang pang-­aaliw sa empleyado at guests habang hinihintay ang performer.

Malinaw naman ang instructions sa performer tungkol sa call time niya matapos niyang mag-sound check sa venue. Siya kasi ang finale ng party kaya hindi naman puwedeng unahin siya.

Eh, kaso, lumampas na ang call time ng performer pero wala pa siya. Okey lang naman dahil may mga performers pa bago sa kanya. ‘Yun nga lang, matindi ang traffic pa­punta sa venue. Mukhang hindi ‘yun na-anticipate ng performer, huh!

Kaya naman upang lalong hindi humaba ang delay ng dating niya dahil sa traffic, ang chikang ginawa ng performer ay tumawid sa highway upang makarating agad sa venue!

Sey nga ng isang staff ng event sa ginawa ng performer na pagtawid sa highway para makarating sa venue, “Dapat lang niyang gawin ‘yon. Hindi porke sikat siya eh may license na siyang paghintayin ang mga tao! Mahal ang bayad sa kanya, ‘no?”

Dahil kay Bonifacio, Daniel at Jasmine magiging madalas ang pagsasama

Uugong muli ang tsismis kina Daniel Padilla at Jasmine Curtis-Smith ngayong sila pala ang magsi­silbing storyteller ng Robin Padilla filmfest movie na Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Although tapos na ‘yung audio link ng usapan nina Daniel at Jasmine, hindi pa rin maiiwasan na maungkat muli ito once humarap sila sa media kaugnay ng promotions ng movie. Nagsalita na si Jasmine tungkol dito nang mag-guest sa The Buzz at Aquino & Abunda Tonight at marami ang humanga sa pahayag niya.

May tsika ngang magdedemanda ng kaibigan si Daniel na diumano ay source ng audio link na ‘yon ng dalawa.

Ang dinig nga lang namin, hindi makakarating si Daniel sa presscon ng movie. May prior commitment daw siya. Kahit na nga nasa movie ang ama niyang si Rommel Padilla at isa sa mga producers, mas prayoridad siyempre ng teen actor ang commitment niya sa Star Magic, huh!

Siya nga pala, ayon sa producers ng festival mo­vie, hindi biopic ni Andres Bonifacio ang movie. Isa itong “revisionist” film na ang layunin ay itama ang ­mis­re­presentation kay Bonifacio sa history ng bansa.

Ang director ng movie ay si Enzo Williams na una niyang full length film. Gumawa na siya ng ten-minute film, ang Cain na nanalo ng Best Film Award sa sinasabing pinakamalaking film school sa Amerika, ang Los Angeles City College.

Layunin ni Robin sa paggawa ng movie ang maikalat sa mga kabataan ngayon ang kuwento ng bayani niyang si Bonifacio kaya naman malaki ang magiging papel nina Daniel at Jasmine sa kabuuan ng pelikula.

 

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

ANDRES BONIFACIO

ANG UNANG PANGULO

BEST FILM AWARD

BONIFACIO

DANIEL PADILLA

ENZO WILLIAMS

PERFORMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with