^

Pang Movies

Mommy D ni-reject sa gagawing album ni Pacman

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Sa plano ni Manny Pacquiao na magkaroon ng album next year, isama kaya niya ang mother dear niyang si Mommy Dionisia sa wish na maulit na maka-duet si Imelda Papin tulad ng kanta na ini-record nila noon sa U.S.?

Bale ba sa pagkanta rin sa videoke ang bonding ni Mommy D at nobyo nitong si Michael Yamson.

Tiyak na maagawan na naman ng eksena si Manny kapag binigyan niya ng single si Mommy D sa album na gagawin ng Pambansang Kamao.

John aminadong hindi binuhay ang mga anak kay Janice

Todo ang suporta ni John Estrada sa plano ng anak niyang si Inah o kahit sino pa raw sa mga anak ng aktor na pagpasok sa showbiz. 

Bilin ni John sa mga bagets na dapat maging proud ang mga anak niya sa trabaho nila ng nanay nilang si Janice de Belen.

Ang pagiging artista raw ang ipinakakain niya sa kanyang mga anak. Sabay natigilan at parang napaisip ang aktor. Sabay bawi sa pagsasabing ang pag-aartista ang ipinambuhay ng nanay nila sa mga ito. Kaya hindi raw dapat ikahiya ang profession nila ni Janice.

Ipinagmamalaki rin ni John ang anak nila ni Priscilla na matangkad daw sa edad nitong 3 years old. Mukhang beauty queen in the making daw ang peg nito na saan pa ba magmamana kundi sa mommy ng bagets.

 

vuukle comment

ANAK

BELEN

BILIN

IMELDA PAPIN

JANICE

JOHN ESTRADA

MICHAEL YAMSON

MOMMY D

PAMBANSANG KAMAO

SABAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with