^

Pang Movies

Sakit didiskubrehin Sen. Bong pinayagan ng Sandigan na magpa-check up!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Natuwa ako sa good news na natanggap ko kahapon, ang pagpayag ng Sandiganba­yan na magpa-check up sa St. Luke’s The Fort si Senator Bong Revilla, Jr., for huma­nitarian considerations sa kabila ng pagtutol ng prosecution.

Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ni Bong na sumailalim ito sa MRI dahil sa madalas na pananakit ng kanyang ulo at ibang mga test tulad ng blood chemistry at cardiac work up.

Pinayagan si Bong ng Sandiganbayan na mag-check in sa St. Luke’s Hospital sa darating na Lunes, November 6, 6:00 p.m. hanggang kinabukasan, November 18, 12:00 noon.

Nagpapasalamat si Bong at ang kanyang misis, si Con­­­ g­ress­woman Lani Mercado sa malaking pabor na ibinigay sa kanila ng Sandiganbayan.

Limang buwan nang nakakulong si Bong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Mainit sa loob ng detention center nina Bong at Senator Jinggoy Estrada kaya hindi maiwasan na sumpungin siya ng migraine dahil sa pabagu-bagong temperatura ng panahon.

Kailangan ni Bong ng regular check-up para mabawasan ang pananakit ng ulo niya.

Ricky nakatsikahan si Jennifer Lawrence

Bumalik na kahapon si Ricky Lo mula sa London at bitbit niya ang tape ng exclusive interview niya sa Hollywood actress na si Jennifer Lawrence.

Mapapanood sa Startalk sa darating na Sabado ang tsikahan portion nina Papa Ricky at Jennifer Lawrence.

Bahagi pa rin ng 19th anniversary presentation ng Startalk ang exclusive interview ni Papa Ricky sa star ng The Hunger Games : Mockingjay.

Mig at Sophie walang star complex

Sina Mig Ayesa at Sophie Sumner ang mga host ng Fil It Up, ang travel show na mapapanood sa GMA News TV simula sa January 15, 2015.

Sina Mig at Sophie ang personal choice ng Li­mitless Ventures producer na si Miles Roces dahil sa kanilang international appeal.

Sikat na rock star si Mig at winner si Sophie ng America’s Next Top Model, ang reality show ng supermodel at TV host na si Tyra Banks.

Sa mga hindi nakakaalam, distant relatives sina Mig at Miles bilang mga galing sila sa angkan ng mga Ro­ces-Legarda.

Hindi nagkamali si Miles sa pagpili kina Mig at Sophie dahil walang star complex ang dalawa. Kasundung-kasundo nila ang production staff ng Fil It Up at game na game sila sa mga ipinagawa ng direktor ng kanilang travel show.

Bukod sa GMA News TV, mapapanood din sa isang cable channel ang Fil It Up at sa Australian network dahil Australian citizen si Mig.

Sure ako na madaragdagan ang mga Australian na bibisita sa a­ting bansa kapag napanood nila sa TV ang kagandahan ng Pilipinas at ang magagandang ugali ng mga Pilipino.

Panganganak ni Alexa mapapanood sa it takes gutz….

Walang malisya ang kuwento ni Alexa Uichico na si Rocky Gutierrez ang nagmana sa ugali ni Annabelle Rama.
Ang sey ni Alexa, controlling at short-tempered din si Rocky tulad ni Annabelle pero malambing at mabait na tao.

Si Alexa ang live in partner ni Elvis Gutierrez at ina ni Aria, ang bagong karagdagan sa growing family ng mga Gutierrez.

Mapapanood sa Linggo, November 16, sa It Takes Gutz to be A Gutierrez ang pagsisilang ni Alexa sa anak nila ni Elvis.

Very close si Alexa kay Annabelle dahil siya ang kasama nito sa pangangampanya noong kumandidato si Bisaya bilang house representative ng Cebu City.

 

vuukle comment

ALEXA

FIL IT UP

JENNIFER LAWRENCE

PAPA RICKY

SANDIGANBAYAN

SHY

SOPHIE

ST. LUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with