^

Pang Movies

Sharon nakita ang paghihirap ng ina kaya masyadong apektado

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mas composed na si Sharon Cuneta nang ma­kausap namin sa wake ni Mommy Elaine Gam­boa-Cuneta sa Sanctuario de San Antonio Chapel in Makati. Naikuwento na niya sa amin ang nakita niyang paghihirap ng ina bago ito pumanaw, na­banggit daw niyang ayaw niyang wala siyang mommy sa Christmas, pero hanggang doon na raw lamang talaga ang buhay nito. Lumapit sa amin si Paulo Avelino na hindi iniiwanan si KC Concepcion. May gagawin daw silang isang Christmas special for ABS-CBN.

Alden naka-score na agad kina Kylie at Solenn

Nasanay na yata na mara­ming ginagawa si Alden Richards kaya nanghihingi pa siya ng bagong trabaho. Ayaw ba niyang magpahinga muna after ilang buwang halos wala siyang tulog? Nagkasabay-sabay kasi ang taping niya ng bayani­seryeng Ilustrado at thrice a week na out of town para sa talent search ng GMA-7 na Bet ng Bayan which he is hosting with Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

“Meron po kasi akong binibiling house and lot somewhere in Laguna, at kung magkakaayos sa pres­yo, gusto kong makalipat kami ng fa­mily ko para doon na mag-Christmas or mag- New Year,” nakangiting wika ni Alden. “Kapag natuloy po, iyon na ang bonus ko sa sarili ko at sa family ko. Ayaw ko pong umalis sa Laguna dahil doon nag-aaral ang sister ko who is graduating na next year ng nursing at doon din may work si Daddy at ang brother ko. Ako naman, may halfway house ako sa Eastwood, kasama ko ang cousin ko.”

Inamin ni Alden na nabago ang focus niya after mamatay ng mommy niya na siya pa rin niyang ins­pirasyon para patuloy magsikap at makatulong sa kanyang family. Least of his priority raw ang kanyang love life. He will be four years na in the industry sa December 8 at itinuturing daw niyang mas lumaki ang confidence niya sa sarili nang gampanan niya ang role ni Dr. Jose Rizal sa Ilustrado.

Matatapos na ang love story nila ni Leo­nor Rivera (Kylie Padilla) sa pagpapakasal nito at makikilala naman niya ang British na si Nellie Boustead (Solenn Heussaff) na pakakasalan sana ni Rizal pero hindi natuloy. Kumusta namang katrabaho si Solenn na nang makausap sa launch noon ay hangang-hanga sa husay niya at pagiging mabait at professional? Hindi ba siya nailang sa kissing scene nila?

“Medyo nga po may comedy ang kissing scene namin ni Solenn dahil tuwing hahalikan ko siya, may naiiwanang part ng bigote ko kaya nagkakatawanan kami kapag nag-sorry na ako at inaalis ko ang natanggal na bigote ko sa lips niya. Napakabait din at very professional ni Solenn, nag-usap muna kami tungkol sa kissing scene at sabi niya, kahit daw ano’ng ipagawa sa amin ng director, okey lamang sa kanya. Thankful ako sa dalawa kong leading ladies dahil pareho silang very professional. Si Kylie ay naka-kissing scene ko rin in a dream sequence at more intimate naman ang kissing scene namin ni Solenn. Sana po ay panoorin ninyo ang pagtatapos ng buhay ni Rizal sa Friday, November 14, after ng Hiram na Alaala.”

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

AYAW

DR. JOSE RIZAL

ILUSTRADO

KYLIE PADILLA

NIYA

SHY

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with