^

Pang Movies

AiAi bumuo ng Badminton Cup para sa bagets na dyowa

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagdaos pala ang AiAi Badminton Cup last Sa­turday na dinaluhan ng ilang celebrities na naglalaro ng sports.

Ang badminton ang sports ni AiAi delas Alas ngayon. Sa larong ‘yun nakilala niya ang bago niyang love na si Gerald Sibayan.

Sabihin man ni AiAi na walang impluwensiya si Ge­rald sa pagdaos ng AiAi Cup na ‘yon, tiyak na walang maniniwala. ‘Di nga ba, balak siyang ipagpatayo ng bahay ng boyfriend in the future kapag nagtuluy-tuloy ang relasyon nila, huh!

Ngayong araw na ito ay tiyak na mauungkat kay AiAi ang boyfriend niya dahil haharap siya sa press para sa movie na Past Tense kung saan kasama niya sina Kim Chiu at Xian Lim.

Dalawang aktor na alaga ng isang network inayawan ng Produ

Nagbabalak na raw mag-back out ng isang producer kaya hindi masimulan ang shooting nito na pinagbibidahan ng dalawang aktor. Na-conceptualize ang project nitong simula nang taon.

Exciting sana ang dating ng project dahil bida rito ang dalawang aktor na inaalagaan ng network. Eh, nagkaroon ng bulilyaso sa isang aktor kaya na­tsugi siya.

After ilang buwan, may nakuha ng kapalit ang sinibak na aktor. ‘Yun nga lang, parang hindi siya bagay na makasama ng isa pang lead actor dahil mas matanda ang hitsura niya kumpara sa kasama.

So kahit plantsado na ang lahat, nananatiling nakatengga ang dalawang aktor dahil sa pagbabago ng isip ng producer.

Lagot kay Megan, Mikael tutok sa malalaking boobs ni Andrea

Napapansin din pala ni Mikael Daez ang malaking boobs ni Andrea Torres dahil sa ginagawang pagpapayat ng bida ng GMA afternoon series na Ang Lihim ni Annasandra. Eh ayon kay Andrea, naramdaman niyang lumiliit din ang boobs niya sa diet na ginagawa niya.

“Si Mikael, inaasar nga ako. Lumiit daw. Sabi niya, ‘It’s not the same daw. Hindi ka na si Andrea!’ Ha! Ha! Ha!” sabi ni Andrea sa taping ng Kapuso series.

Sa nasabing series, nagkaroon sila ng mainit na romansahan ng aktor. Aminado siyang nailang bago gawin ‘yon dahil first time niya ‘yon sa isang programa.

“Madami kasing tao. Usually, hindi ka naman nakakapanood ng ganoon. Parang nakakailang siyang gawin.

“Pero sabi ni Mikael, siya raw ang bahala, iga-guide niya raw ako. Super tina-trust ko na nga siya pero bago ‘yung eksena, mga ten minutes pa rin kaming medyo…” saad ni Andrea.

Hindi naman ba siya natakot na baka pagselosan siya ni Me­gan Young na balitang girlfriend na kapareha?

“Hindi naman. Hindi naman. More on worried lang ako sa kung magawa ko siya ng tama o mali! Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

Gimme 5 nakakawindang, parang ginugupit na yero ang mga boses!

Grabe sa eardrums ang boses ng teen group ng Kapamilya na Gimme 5, huh! Live silang kumanta ng song sa kanilang debut album sa ASAP kahapon pero ang mga boses, nakakawindang! Parang ginugupit na yero! Nakakaloka!

Naku, pinag-voice workshop sana nilang mabuti ang limang bagets. Naghahalo ang first voice and second voice nilang boses! Sali-saliwa pa nang sabay-sabay na silang kumakanta!

Kesa pinag-live, nag-lip synch na lang sana ‘yung lima dahil kahit sino si­gurong voice teacher ay maibabato ang anumang bagay dahil sa kanilang walang direksyon na pagkanta, huh!

vuukle comment

AKTOR

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM

BADMINTON CUP

DAHIL

GERALD SIBAYAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with