^

Pang Movies

Nagpapakasasa sa bakasyon male starlet tinuhog ang magkakabarkadang bading!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kaya pala hindi masyadong aktibo ang male starlet na ito sa TV ngayon ay dahil enjoy ito na nagbabakasyon kung saan-saan kasama ang kanyang gay lover-benefactor.

Post daw nang post ng mga photos ang male starlet sa kanyang Instagram account ng mga lugar na kanyang kinaroroonan ngayon. ‘Yun lang ay puro mga selfies ito at wala siyang photo na kasama ang bading na gumagastos sa kanya ngayon.

Nagpapaka-discreet ang male starlet dahil ayon sa aming reliable source ay hindi lang daw isa, kundi tatlo ang kanyang sponsor ngayon at baka pagwelgahan siya ng dalawa kapag nalaman na kasama niya ay ibang bading.

Ang nakakatawa pa ay magkakakilala ang tatlong bading na tinuhog ni male starlet. Kaya nakapagtataka kung totoong hindi alam ng dalawa na ka-join ng friend nila ang abusadong male starlet.

Anyway, mukhang walang balak na magpagod sa showbiz ang male starlet dahil sa tatlong sponsors niya ay buhay na buhay na siya, pati na ang pamilya niyang umaasa sa kanya simula noong manalo siya sa isang contest sa TV at maging artista.

Ang tanging ikinapapagod na lang ni male starlet ay ang pagpunta nito sa gym dahil isang requirement nga ng kanyang sponsor ay kailangan maganda parati ang katawan nito at hindi siya tataba.

Polo nagsawa na sa Kapuso

Ang teleserye na Pasion de Amor ang magiging unang project ni Polo Ravales sa bakuran ng ABS-CBN 2 kapag naayos na ang negotiations sa paglipat nito mula sa GMA-7.

Makakasama raw ni Polo sa project na ito si Jake Cuenca.

Last year pa raw walang kontrata si Polo sa Kapuso network at naging open naman siya sa pagsabi na gusto niyang magtrabaho naman sa ibang TV network.

Higit na 19 years siyang naging talent ng GMA-7 since lumabas siya as one of the second batch members ng TGIS kung saan nakasabay pa niya sina Ding­dong Dantes, Antoinette Taus, Dino Guevarra, Kim delos Santos, at Sunshine Dizon.

Si Polo ang latest Kapuso talent na mag-ober da bakod sa Kapamilya network tulad nang ginawa nila JC de Vera at Paulo Avelino na mas nagpasikat sa kanila ngayon.

Kailan lang ay nabalitang babalik na si Jolina Magdangal sa Dos after 12 years sa GMA-7. Gagawin niya ang teleseryeng Flordeliza with former love team Marvin Agustin.

J.Lo inaabangan kung kakagatin ang $350K na bayad per show sa Planet Hollywood

Ongoing ang negotiations ni Jennifer Lopez para sa kanyang headline show sa Planet Hollywood in Las Vegas.

Kung matutuloy ay makakahilera na ni J.Lo ang mga successful Vegas headliners ngayon na sina Celine Dion at Britney Spears.

Two years with 72 shows ang offer na kontrata kay J.Lo sa The Axis, Planet Hollywood, the same venue kung saan nagpe-perform si Britney.

Ang bayad daw per show kay J.Lo ay $350,000.

Ayon sa rep ng Planet Hollywood, wala pa silang ma-confirm sa pagpirma ni J. Lo.

Kailan lang ay pumirma ulit ng two-year contract si Britney Spears para sa kanyang Vegas headline show kung saan babayaran na siya ng $475,000 per show.

vuukle comment

ANTOINETTE TAUS

BRITNEY SPEARS

CELINE DION

DINO GUEVARRA

JAKE CUENCA

JENNIFER LOPEZ

JOLINA MAGDANGAL

KAILAN

KAPUSO

PLANET HOLLYWOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with