^

Pang Movies

Erwan Heussaff proud na proud sa pagiging bampira ni Anne

- Vinia Vivar - Pang-masa

Star-studded ang premiere night ng Blood Ransom na ginanap sa Newport Performing Arts ng Resorts World last Saturday night dahil sa rami ng celebrities na dumating para suportahan ang first international indie film ni Anne Curtis.

Bukod sa pamilya ni Anne na sina Jasmine (her sister) at James Ernest Curtis-Smith (her father), dumating din ang mga kaibigan ng aktres na sina Solenn Heussaff and Isabelle Daza pati na rin ang mga kasamahan sa It’s Showtime na sina Vhong Navarro, Billy Crawford, Coleen Garcia, and Ryan Bang.

Namataan din namin ang broadcast-journalist na si Karen Davila at ang Viva’s newest hottest hunk na si James Reid.

Maging ang boyfriend ni Anne na si Erwan Heussaff ay dumating bilang suporta.

Siyempre, naroroon din ang leading man ni Anne sa movie, ang Hollywood actor na si Alexander Dreymon at ang direktor na si Francis dela Torre.

Bago magsimula ang movie ay hiningan muna ng mensahe ng host na si Tim Yap ang mga mahal sa buhay at kaibigan ni Anne.

First time naming narinig na nagsalita si Erwan at sobrang proud siya sa girlfriend, gayundin ang ama ng aktres at ang nakababatang kapatid na si Jasmine.

Mistulang lovers’ night ang premiere night dahil sa magkakaparehang dumating ang mga guests na pinangunahan of course ng bidang si Anne who was with Erwan although sa seat ay hindi sila magkatabi dahil si Alexander ang katabi ng aktres.

Katabi naman ni Erwan ang kapatid na si Solenn with her boyfriend Nico Bolzico.

Si Isabelle naman ay kasamang dumating ang boyfriend na si Adrien Semblat.

Si Jasmine ay kasama rin ang boyfriend na si Sam Concepcion. Of course, sina Billy and Coleen naman ang magkasama. At si Vhong naman ay kasama ang girlfriend na si Tanya Bautista.

Sa movie ay dalawa ang matitinding love scenes ni Anne with Alexander and we wonder kung ano kaya ang reaksyon ni Erwan habang pinapanood ito.

Nakakatuwa dahil may isa pang Pinoy cast sa movie, ang magaling na aktres na si Suzette Ranillo na gumanap bilang yaya or auntie ni Alexander. May Pinoy touch din ang pelikula dahil may eksenang nagluluto ng longganisa si Suzette.

Showing na ang Blood Ransom sa ‘Pinas ngayong Oct. 29 produced by Tectonic Films at distributed naman ng Viva Films.

Sa Oct. 31 naman ito ipapalabas sa U.S. kaya lilipad sina Anne at Direk Francis with Alexander papuntang Amerika this week.

Mas sexy daw sa kanya Solenn ayaw isabong kay Ellen

Sa hanay ng mga sex goddesses natin ngayon, sina Ellen Adarna at Solenn Heussaff ang parang naglalaban since nasa magkaiba rin silang istasyon.

Si Ellen ang pambatong sexy star ng ABS-CBN habang si Solenn naman sa GMA-7. Pero silang dalawa ang masasabing itinuturing ngayong Pantasya ng Bayan.

Sa solo presscon ni Solenn last Sa­turday ay nahingan nga siya ng reaksyon tungkol dito at ang unang sambit niya, “hindi ba nag-change ang image ko kahit kaunti?”

Natawa rin siya at say niya, “ano, chill-chill lang.”

Pero gusto ba niya ‘yung Ellen vs. Solenn na issue?

“Friends naman kami. But mas sexy talaga si Ellen, mas marami siyang cur­ves, maliit ang bewang niya,” she said.

So, fight siya kay Ellen?

“Hindi, hindi kami magpa-fight. I love her. She’s sexy, para sa akin, ibang klaseng sexiness niya,” say pa ni Solenn.

Pero sa totoo lang, ang ganda ng career ni Solenn ngayon at sunud-sunod ang projects niya. Sabay-sabay nga raw ang tatlong proyekto niya sa isang buwan – ang Pandora sa Elemento sa GMA-7, ang seryeng Ilustrado sa GMA News TV at ang pelikulang T’yanak with Judy Ann Santos.

vuukle comment

ADRIEN SEMBLAT

ANNE

ANNE CURTIS

BILLY AND COLEEN

BLOOD RANSOM

ERWAN

NAMAN

PERO

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with