^

Pang Movies

Kasupladahan ni Marian nawala nang sumamang sumugod sa mga bahay-bahay

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napapakinabangan ni Marian Rivera ang pagsama-sama sa masa tuwing susugod sa mga bahay ang Eat Bulaga sa iba’t ibang lugar. Nawawala ang intrigang suplada siya. Makihalo ka ba naman sa kung sinu-sinong tagahanga, suplada pa ang tawag du’n? Tila yata handang-handa na sina Marian at Dingdong Dantes na harapin ang pag­harap sa altar. Sabagay, saan pa ba naman patungo ang pagamamahalan ng dalawa kundi sa simbahan. Ang mahalaga, simbahan hindi live-in lang.

Kasal ni Direk Jay sinuwerte dahil kay Rita?!

Masaya si Rita Avila habang ikinukwento ang pagkakapanalo ng pelikulang Kasal directed by Jay Altajeros, ang director ng indie film na Ang lalaki sa Parola starring Harry Laurel. Nanalong Best Picture ang nabanggit na movie sa ginanap na Cinemalaya Film Festival. Maikli lang ang role ni Rita rito pero todo-akting naman siya, and besides hindi naman pahabaan ng role ang pinag-uusapan sa pelikula, kundi ang markang iniwan nito. Tipong nabiyayaan yata ng taglay na good luck charm ni Rita ang naturang movie. May lucky charm kasi ang actress sa bawat masamahang project tulad ng mga inilunsad na young star sa GMA teleserye noon.

Nanay ni Miggs hindi rin makapaniwalang nanalong Best Supporting Actor ang anak

Masaya si Direk Maryo delos Reyes dahil na­nalong Best Supporting Actor ang child actor na si Miggs Cuaderno sa pelikulang Children’s Show. Marami rin ang humanga kay Miggs sa akting niyang ipinakita sa movie na Asintado directed by Louie Ignacio. Noong magwala si Miggs sa isang eksena, hindi mo akalain kung saan humuhugot ng inspirasyon ang bata sa pagganap bilang isang mentally retarded boy.

Nakita naming umiiyak ang nanay ni Miggs si Judy Chua, noong inaabot sa anak ang award. Hindi raw makapaniwala ang nanay ng batang aktor.

Aiko naospital

sa pagkatalo kay Nora?!

Hindi totoong na depress si Aiko Melendez at naospital dahil sa pagkatalo kay Nora Aunor sa ginanap na Awarding Night ng Cinemalaya X. Hindi totoo ito dahil mahal niya si Nora at makahanay lang sa pinagpilian ng best actress ay malaking karangalan na para kaya Aiko.                

                             

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

AWARDING NIGHT

BEST SUPPORTING ACTOR

CINEMALAYA FILM FESTIVAL

CINEMALAYA X

DINGDONG DANTES

DIREK JAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with