^

Pang Movies

Sexy starlet na si Keanna Reeves may pelikula para sa mga sinalanta ng Yolanda

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

No show si Keanna Reeves sa premiere night ng kanyang indie film na Magtiwala Ka: A Super Typhoon Yolanda Story na ginanap sa St. Francis Theater sa Lourdes School of Mandaluyong.

Inaasahan ang pagdating ng sexy actress at pati na ang bagets niyang boyfriend na si Kevin Mercado dahil present ang producers at sponsors ng indie film.

Pero nagpasabi si Keanna na hindi na sila makakadalo ng kanyang boylet dahil may commitment na raw siya para sa isang show.

Tuloy, lalong naghinala ang marami sa balitang may galit si Keanna sa direktor ng indie film na si Joric Raquiza dahil nga sa issue ng pang-aahas sa boylet niya.

Maraming naging reklamo si Keanna sa kanyang director, isa na rito ay ang layout ng poster ng Magtiwala Ka. Bakit daw mas malaki pa ang mukha ng boyfriend niya kesa sa mukha niya, eh siya ang bida ng pelikula?

Tapos ay panay pa raw ang post ni Direk Joric sa Facebook na suportahan ang kanyang boyfriend pero siya raw ay ni hindi nababanggit.

Natawa na lang si Direk Joric sa mga akusasyon na ito ni Keanna tungkol sa kanya. Paliwanag ni Direk ay pareho niyang sinusuportahan sina Keanna at Kevin. Wala raw siyang ginagawang favoritism o pang-aahas.

“Hindi ko na lang pinapansin ang mga akusasyon ni Keanna sa akin. Professional tayo.

 “Wala akong ginagawang pang-aahas. Ano ba naman iyon? Natawa na lang ako sa pagseselos ni Keanna,” tawa pa ni Direk Joric.

Kapag kumalma na raw si Keanna ay mag-uusap daw sila para maayos ang lahat.

Naka-concentrate kasi si Direk Joric sa pagpapalabas ng Magtiwala Ka dahil ang kikitain ng pelikula ay diretso sa pagtulong sa mga naging biktima ng typhoon Yolanda.

Enzo ayaw nang makausap si Louise kahit kailan

Dedma si Enzo Pineda sa mga denial ng ex-girlfriend niyang si Louise delos Reyes na wala raw third party kaya sila naghiwalay at hindi raw siya third party sa paghihiwalay naman nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Nasabi na lang ni Enzo ay alam niya kung ano ang totoo pero kung nagde-deny pa rin si Louise, wala na raw siyang magagawa rito.

Wala pa raw sa plano niya ang makipag-usap kay Louise o maging kay Aljur dahil para sa kanya ay lipas na ang issue at nakapagsalita na siya tungkol dito.

May mga nagsasabi na ginagamit pa ni Louise ang pagde-deny sa promo ng indie film nito.

Quiet na lang si Enzo sa kilos na ito ni Louise dahil naka-move on na raw siya.

Sa mga pino-post ni Enzo na photos sa Instagram ay very active ito ngayon sa sports at may kasama na siyang ibang girl.

Ayon sa isang source ay matagal nang kaibigan ni Enzo ang girl. Wala namang confirmation pa kung ito na ang new girlfriend ni Enzo.

Bida si Enzo sa indie film na Sundalong Kanin na isa sa official entries sa Cinemalaya 2014.

Joe at Sofia todo-PDA

Kumpirmadong nagde-date na ang True Blood star na si Joe Manganiello at ang Modern Family star na si Sofia Vergara.   

Magkasama ang dalawa nang mag-celebrate si Sofia ng kanyang 42nd birthday sa Malibu, California.

Ayon sa dalawa, nasa “early stages of dating” pa lang sila.

Huli silang nakita sa isang restaurant at hindi sila nahihiyang ipakita ang kanilang PDA or Public Display of Affection.

Inamin ni Joe na matagal na niyang crush si Sofia at noong malaman niyang “single and available” na ito, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

Si Sofia naman ay masyadong natangay sa mga pinapakitang sweet gestures ni Joe. Nakilala si Sofia na mahilig makipag-date sa mga lalaking mas bata sa kanya.

Limang taon ang agwat ng edad nila Joe (37) and Sofia (42), pero bale wala raw iyon sa pagmamahalan na meron sila.

vuukle comment

A SUPER TYPHOON YOLANDA STORY

DIREK JORIC

ENZO

KEANNA

MAGTIWALA KA

RAW

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with