^

Pang Movies

Marian matigas na ang loob sa mga kaaway

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pilipino Star Ngayon

Mamayang gabi na ang pagrampa ni Marian Rivera sa victory party ng FHM Ph sa World Trade Center at kahit noong presscon para sa 100 Sexiest Women of the Philippines hindi pa rin sinabi ng Kapuso Primetime Queen kung ano ang isusuot niya. Sorpresahin kaya siya ng boyfriend na si Dingdong Dantes kahit may taping ito ng Ang Dalawang Mrs. Real?  Last year, pinuntahan siya ni Dingdong sa backstage bago siya rumampa.

Ang isang naitanong kay Ma­rian ay ang pagsuporta niya kay Ba­tangas Governor Vilma Santos-Recto laban sa bashers nito kaugnay ng special gift niya kay Kris Aquino na na-post sa Instagram account ng Queen of All Media. Wala raw naman siyang sinabi kay Gov. Vi kung hindi “nandito lamang ako at mahal ko siya.”  Siya raw kasi, matagal nang immune sa mga bashers at hindi na big deal sa kanya iyon.  Kaya ang ginagawa na lamang niya kapag may nang-bash sa kanyang only social media account na Instagram @therealmarian, dini-delete at bina-block na lamang niya. Alam daw niyang gagawa ulit ng bagong account ang mga bashers, kaya ganoon pa rin, delete and block pa rin siya.

Naniniwala raw siyang ang mga taong malungkot ang buhay ay walang nakikitang maganda sa kanilang kapwa, puro kapintasan lamang.

Nagpasalamat din si Marian sa mga nanood at sumuporta sa kanyang dance party show na Marian last Saturday dahil sa mataas na rating nito. Nag-trend pa worldwide at dito sa Pilipinas ang kanyang buwis-buhay na opening dance number.

 

Harlene hindi na hahabulin ang P15M

Nagsampa ng forty two counts ng qualified theft, estafa, si Harlene Bautista sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) laban kay Direk Dante Garcia. Two years na palang nakabimbin sa QCRTC ang kaso at ngayong nahuli na nga ang accused, nakatakda na ang arraignment ng kaso sa July 30.

Balitang P15M ang unliquidated amount na ipi­naglalaban ni Harlene na nakausap sa premiere night noong isang gabi ng movie na produced ng kanilang Heaven’s Best Entertainment, ang Kam­kam (Greed),  na showing na simula ngayong Wednesday.

Friend na niya for ten years si Direk Dante, pero hindi raw naman pera lamang niya iyong P15M, may mga kaibigan siyang kasosyo, kaya nalulungkot si Harlene na umabot sila sa ganoon.  Sana man lang daw ay kinausap siya para ma­laman niya kung saan napunta ang unliquidated amount na hinahabol nila. Hindi raw kasi naka-deliver ang director sa mga pinag-usapan nila at may mga pinaggamitan na funds sa ibang projects na hindi naman nila pinayagang gawin. Kaya ang ginawa nila, nag-hire sila ng accountants na siyang nagsuri kaya nalaman nila ang mga pagkukulang ni Direk Dante.

Wala bang feelers si Direk Dante para makipag-ayos sa kanila?  Wala raw, dapat daw ay noon pa iyon ginawa, pero wala raw.  

Ayaw niyang siraan ang kaibigan kaya idinaan niya sa tamang proseso, ang hukuman. Alam daw niyang hindi na maibabalik ang pera, hindi raw siya na­ga­galit sa kaibigan, gusto lamang niyang itama ang nangyari kaya siya nagdemanda.

 

vuukle comment

DIREK DANTE

HARLENE

KAYA

NIYA

RAW

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with