^

Pang Movies

Matapos makunan ng pera ang mga kaibigan, manlolokong direktor arestado!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto na raw kahapon ang isang director sa isang malayong probinsiya kaugnay ng kasong estafa na isinampa ng kanyang mga kaibigan. Hindi muna namin papangalan kung sino ang director na ‘yon dahil sa text lang ng isang writer namin nakuha ang impormasyon.

Pero may alam kami sa ginawang ito ng director sa malalapit na kaibigan. Ang nakakaloka, isang sikat na aktres na kaibigan ang turing sa kanya ang diumano’y nakuhanan niya ng pera. ‘Yung isa naman niyang kaibigan ay kapatid pa ng isang public official, huh!

 

AiAi ayaw na talagang makasama si Kris, si Tates Gana na ang bagong ‘friendship’

Walang pakialam si AiAi delas Alas kung matagal nang hindi siya natatawag na friendship ng isang kaibigan. Eh sa presscon ng comedy concert nila ni Rico J. Puno na Macho Guwapita, inalam sa kanya ang balitang friend na raw niya si Tates Gana na ex-partner ni Mayor Herbert Bautista, huh!

 “Ha! Ha! Ha! New found friend!” reaksyon ni AiAi.

So ngayong wala nang tumatawag ng friendship sa kanya, kanino na niya ibibigay ang tawag na ‘yon?

 “Kay Tates! Ha! Ha! Ha!” sey niya.

Bakit siya?

Wala! ‘Di ba, sabi mo, friend na kami? New found friend,” sagot ni Ai.

So gusto niya talagang maging friend sila ni Tates?

 “Oo! Eh, taga-Quezon City ako eh,” rason niya.

Eh,  ‘di ba, taga-Batangas na siya?

 “Oo!” sagot niya.

Doon siya tatakbo sa pulitika?

 “Huwag na nating banggitin ‘yang takbu-takbo,” pakiusap ng komedyana.

Sa Tarlac, ayaw ba niya. Taga-Tarlac kasi si Kris.

 “Diyos ko, hindi naman ako taga-Tarlac! Ano ba ‘yan? Ha! Ha! Ha! Ano ba kayo? Ang layu-layo ko sa Tarlac! Ha! Ha! Ha! North ‘yon eh South kami. May mapag-awayan ‘yan!

 “Hoy, pag-usapan natin ang Macho Guwapita. Magagalit si Ana Puno (producer ng concert),” pakiusap ni AiAi.

Hindi nila first time ni Rico na magsama. Na-tour na nila sa abroad ang concert.

“First time rito sa Philippines. Kasi international artist nga ako, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!” pahayag ni Ai.

So natikman na siya ni Rico?

 “Ano ba ‘yan? Hindi naman ako pumapatol sa tanders (matanda)! Ha! Ha! Ha! International ito bago ang Philippines. Full packed kami parati, huh!” sabi ng Comedy Concert Queen.

Nag-level up ba ang laswaan nila ni Rico?

 “Oo, oo! Ha! Ha! Ha! Pang-casino!” tugon niya. Dagdag niya, “sanay na ako sa pagiging balahu(ra) niya! For adults lang ito,” rason ni Ai.

Nahalikan ba siya sa stage?

 “Hindi! Hinipu-hipo lang ako! Kung saan-saan!” sagot ng ko­medyana.

Kumusta naman ang sex life niya?

 “Wala! Wala nga eh. Ayaw ng pussykip!” katwiran ni AiAi.

So masikip pa rin talaga?

 “Masikip na masikip talaga! Ha! Ha! Ha!’ sabi niya sa isang bading na reporter.

Eh habang kausap ng press si AiAi, biglang lumapit si Ana at nagsabi kay AiAi na, “Hoy, mag-guest ka sa Startalk!”

Sagot ni AiAi, “Sige! Kung gusto mo na talagang mawalan ako ng trabaho sa Channel 2!”

Eh, puwede ba siyang ma-guest sa The Buzz upang i-promote ang concert eh nandoon si Kris?

 “Ay, ayoko ring mag-guest sa The Buzz!” deklara ni AiAi.

Anyway, sa July 26 ang Macho Guwapita na sa grand ballroom ng Solaire Casino and Resorts itatanghal.

vuukle comment

AIAI

ANO

MACHO GUWAPITA

NIYA

OO

RICO

TATES GANA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with