^

Pang Movies

Darna gagawing high tech, Angel ikino-kondisyon na ang katawan

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines - What a hoot my dear Salve A.! Imagine, matapos magdaan ang maraming rumors kung sino ang magpo-portray ng Darna, from a certain bad actress to some starlet to a singer-actress, finally nagkaroon ng story conference sa Star Cinema! La­king gulat ng lahat nang official na nga at walang iba kundi si Angel Locsin ang gaganap! 

Matapos ang pakikipag-meeting ng award-winning actress with the top honchos ng Star Cinema like Malou Santos, kasama ang visionary director na si Erik Matti, mega producer na si Dondon Monteverde at ilan pang key people, dinumog ng camera crew ang fresh looking na aktres! Teary eyed na in-express ni Angel na “ay naku speechless ako! Overwhelmed po kasi ako. Dahil nung inilatag sa akin ang magiging peg for Darna, na gagawin po namin, talagang naramdaman kong napakalaking pelikula nito. So officially nasa akin po ulit ang bato!” nakatawang pahayag niya. Siyempre ang batong tinutukoy ng minamahal ni Luis Manzano ay ang batong nilulunok ni Narda na kanyang hinihingi mula sa kapatid niyang si Ding bago niya maisigaw ang ‘Darna!”

Kaya naiiyak si Angel dahil dala na rin ng excitement niya for the movie project ay ang mataas na gratitude niya sa bubuo ng produksiyon ng Darna.

“Talaga naman po kasing iningatan ko ang cha­racter na si Darna. Very thankful po ako sa Ravelo family dahil to this day po ipinagkatiwala pala nila sa akin ang Darna.”

Sa mga video pegs at special effects preview na planong gawin ng produksyon kapag nagsimula nang mag-shooting ang Darna, namangha si Angel dahil “i-consider po natin ang napaka-advance na technology ngayon eh talagang marami po tayong aabangang bago kay Darna. We Filipinos are creative, malawak ang isip sa sining, kaya ang dami po naming ipapakitang iba na ang level ng pakikipagsapa­laran ni Darna.” Ibig sabihin din ni Angel na ang mga nagawa na niya sa telebisyon bilang Darna noong early 2000’s ay “lalong kakaiba pa ang gagawin ko sa pelikula.”

Mas active ba ang buhay at mas may grabe bang encounters or katungali si Darna? May bago bang promise ang bagong Darna movie? Magugulat ba ang mga manonood? Mariing sagot ni Angel na “nakakagulat po at nakakasindak this time ang magiging physical powers ni Darna mula sa pakikipagsapalaran niya bilang normal na taong si Narda hanggang sa pagiging Darna niya.”

Should we identify kung sinu-sino na ang nag-portray bilang Darna, mapapansin nating lahat sila’y mga aktres na crème-dela-crème ang level sa pelikula. Unang-unang gumanap bilang Darna si Rosa del Rosario noong 1951. Noong 1963 naman si Liza Moreno. Ang member ng Stars of ’66 na si Gina Pareño ay lumipad naman noong 1969. Si Lorna Toletino naman ay noong 1977. Mula noon 1979 to 1980 naman naging Darna sina Brenda del Rio, Rio Locsin, at Lotis Key. Si Megastar Sharon Cuneta naman naging Darna sa pelikulang Captain barbell noong 1986. Si Nanette Medved naman noong 1991. Si Anjanette Abayari nong 1994. Ang Songbird namang si Regine Velasquez lumipad noong 2003 bilang Darna sa comedy flick. Pati na rin si Marian Rivera. Gumanap na bilang Darna ang Star for All Season na si Vilma Santos noong 1973 hanggang 1975. Taong 2007 sinimulan ni Angel Locsin ang pagganap bilang Darna. Seven years later, si Legal Wife ulit ang legal na magiging Darna. “Gusto ko pong kondisyon ang isip at katawan ko for Darna,” banggit niya.

Siguradong masaya si Luis dahil isang plum role at markadong character ang itinakda ng Philippine Cinema para kay Angel. Sa pitong taon na pagsasama nila ni Luis, napagtanto na nilang para nga sila sa isa’t isa. “Hindi namin minamadali ang mga sarili namin. Nagmamahalan lang talaga kami at naiintindihan namin lalo ang isa’t isa kaya naisip na naming para sa isa’t-isa kami.”

 

vuukle comment

ALL SEASON

ANGEL

ANGEL LOCSIN

DARNA

NIYA

NOONG

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with